Maymay goes international

November 20, 2018
Maymay Entrata
Maymay Entrata

THERE's no stopping Kapamilya young star Maymay Entrata from reaching her dreams.

In her two years in the business since she got out from Pinoy Big Brother house in 2016 as Big Winner, Maymay continued to explore different fields in the entertainment business from  singing,recording, performing, acting, dancing and being a celebrity endorser. The 21-year-old dreamer from Cagayan de Oro is about to embark on another area in her flourishing career,  the international fashion scene.

Kung may nakitang potential kay Maymay bilang fashion model ang highly-acclaimed  fashion designer na si Rajo Laurel kaya niya ito inimbitahan sa kanyang fashion show kamakailan lang, isa namang international fashion event ang kasunod nito nang siya’y maimbitahan ng Filipino Dubai-based, ang  Paris and New York trained award-winning designer na si Furne One who created AMATO Couture in Dubai in 2002 in partnership with PR and Marketing specialist na si Josh M. Yugen.

Sa dinami-dami ng mga professional fashion models at magagandang showbiz female personalities ng Pilipinas, AMATO Couture singled out Maymay to participate sa international  Arab Fashion Week na magsisimula ngayong November 20, the same day ng dating mismo ni Maymay sa Dubai in time for her fitting and rehearsals.  Nakatakda naman siyang rumampa on November 23.    

AMATO is an Italian word na ang ibig sabihin ay beloved.

Si Maymay ang kauna-unahang Filipina ever na mapapasama sa prestigious Arab Fashion Week sa pamamagitan ng efforts ng AMATO Couture kaya parang nakalutang sa alapaap ang pakiramdam ngayon ng ka-loveteam ni Edward Barber.

Si Maymay rin ang celebrity endorser ng Megan beauty products tulad ng Megan Peel Off Mask.