Maymay nakaka-proud

November 22, 2018
Maymay Entrata
Maymay Entrata

WE felt so proud for ex-PBB winner-turned-singer-actress and celebrity endorser/model nang ito’y aming mapanood sa isang upload video ng kanyang pagrampa sa 2018 Arab Fashion Week kung saan siya naimbitahan ng AMATO Couture ng  Dubai-based Filipino designer na si Furne One.  Dalawang creation ng AMATO Couture ang isinuot ng ka-loveteam ni Edward Barber, isang formal gray cocktail dress at isang gray gown with matching feathers headdress.

Animo’y isang professional (international) fashion model ang dating ng Kapamilya young star habang ito’y nagsu-sway at rumarampa sa harap ng international and Arab audience.

Si Maymay ang kauna-unahang Filipina ever na rumampa sa internationally-acknowledged Dubai Fashion Week at naunahan pa niya ang mga kilalang Filipina professional models at ibang pang mga kilalang personalidad.

Dahil sa exposure ni Maymay sa Arab Fashion Week, hindi kami magtataka kung ito’y maiimbitahan din sa iba pang international fashion shows.

Ang look at physique ni Maymay ay pang-modelo kaya malamang na magkaroon ito ng iba pang career sa modeling world.

Samantala, personal na  nasaksihan ng ka-loveteam ni Maymay na si Edward Barber ang kanyang pagrampa kaya sobra itong proud sa dalaga.