Home>Entertainment>Showbiz>McCoy pumirma na rin sa Viva

McCoy pumirma na rin sa Viva

McCoy de Leon and Elisse Joson
McCoy de Leon and Elisse Joson

PAGKATAPOS ng young actor na si Diego Loyzaga, isa ring dating Kapamilya actor ang pumirna ng kontrata with Viva Artists Management (VAA), ang ex-PBB housemate at dating miyembro ng all-male dance group ng “Hashtags” ng noontime show na “It’s Showtime” na si McCoy de Leon (Marc Carlos Francis de Leon).

Sina Diego at McCoy (parehong 25 years old) ay dalawa lamang sa mga contract talents ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na pinakawalan ng Kapamilya network.

Sa tulong ng Viva, umaasa sina Diego at McCoy na magtutuloy-tuloy pa rin ang kanilang respective showbiz careers at pareho na ring may naka-line up na projects na sisimulan sa kanilang bagong home studio.

Si McCoy ay huling napanood sa nahintong action-drama TV series na “24/7” at sa 2020 zombie mobie na “Block Z” na pinagbidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

First TV series niya ang “Be Careful with My Heart” nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap in 2012 na tumagal sa ere ng mahigit dalawang taon.

Nagbida na rin si McCoy sa pelikulang “Sakaling MagingTayo” na dinirek ni Jaime Habac, Jr. nung nakaraang taon (2019). Ang nasabing pelikula ay pinagtambalan nila ng ex-girlfriend at ex-PBB housemate na si Elisse Joson.