Medical evaluation ni Kris sa Singapore, ‘clear’

January 09, 2019
Kris Aquino

Natuwa ang supporters ni Kris Aquino sa update niya sa first medical evaluation sa kanya ng mga doctor sa Singapore.

“Just as i told my Ate, after my first 2 full evaluations with my allergy/rheumatoid/immunology specialist and the endocrinologist he referred me to, we flew here to get CLEAR answers. I am okay with knowing because that gives me a fighting chance.”

Ang salitang “clear” ang ginawang basehan ng supporters ni Kris na maganda ang resulta ng nauna niyang evaluation.

Ang mga susunod na lang ang aabangan dahil nabanggit ni Kris na kahapon, tuloy ang consultation niya sa iba pang doctor at may mga gagawin pang tests ngayong araw.

Nangako siyang magbibigay muli ng update.

Kasama naman sa pinasalamatan ni Kris ang lahat ng hospital personnel from the Philippines na nag-alaga sa kanya. Kwento niya, halos 50 percent ng personnel sa ospital kung saan siya pumunta ay Filipinos.