Megan masaya na hindi si Mikael ang kasama sa bagong TV series

May 29, 2019
Megan Young and Mikael Daez
Megan Young and Mikael Daez

MEGAN Young is doing a new series after 8 months of being out of TV radar. Sa panahong  wala siyang ginagawang series, nagkaroon sila ng pagkakataon ng boyfriend na si Mikael Daez na mag-travel sa iba't ibang bansa at makagawa ng travel blogs. "We love to travel together," ani Megan sa isang TV interview. "At sa wakas, nai-podcast na namin yun."

Sa Midnight Express na segment ni Mikael sa news program ng GMA7, minsan ay nakakasama pa niya si Megan."

Meanwhile, wala sa lineup ng bagong series si Mikael. Ang leading man niya rito ay si Rayver Cruz.

"Happy  ako na iba naman," natatawa niyang sabi. "Kasi lagi ko naman siyang nakakasama."

Pero mukhang very confident naman si Mikael sa kalagayan niya. Dahil ba totoo ang tsismis na kasal na sila?

"Hindi totoo," maagap na tugon ni Megan. "Even my mom asked me, 'Anak kasal na ba kayo?' 'Ha? Paano nangyari 'yun? Alam ng ibang tao bago mangyari."