Megan at Mikael tahimik na nagpakasal

January 26, 2020
Mikael with Mrs. Megan Young-Daez

WALANG kaabug-abog ang ginawang pagpapakasal ng long-time sweethearts, ang 2013 Miss World-turned Kapuso actress na si  Megan Young at Kapuso actor-host na si Mikael Daez.   Ang dalawa ay ikinasal sa isang intimate wedding na ginanap sa San Roque Chapel in Subic, Zambales nung Sabado, January 15.  The wedding was attended by their respective families and close friends.

Kung ang ibang celebrity couples ay maingay na pinag-uusapan ang nalalapit na pag-iisang-dibdib, sina Megan at Mikael ay tahimik lamang sa kanilang naging preparasyon at maging sa kanilang pagpapakasal.  

It was only in 2017 nang aminin pareho nina Megan at Mikael ang kanilang pagiging magkasintahan pero anim na taon na sila noon.

Nito lamang January 6, 2020 ay kanilang sini-celebrate ang kanilang ika-siyam na taon bilang magkasintahan pero walang balita kung kailan ang kanilang engagement.

Sina Megan at Mikael ang unang celebrity couple na ikinasal sa taong ito habang inaabangan naman ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Juancho Trivino and Joyce Pring, Sheena Halili and Jeron Manzanero at maging sina Fourth Solomon at Grizelle Gratela.

Malamang na magkaroon din ng ibang surprise weddings this year tulad ng ginawa nina Megan at Mikael.

Inaasahan din ang ilang surprise engagements this year ng ilang celebrity couples.

Samantala, dahil sa pagputok ng Taal Volcano, hindi na sa Tagaytay gaganapin ang maghahiwalay na weddings nina Sheena at Jeron gayundin sina Juancho at Joyce.  Magbabago na sila ng venue dahil ayaw nilang malagay sa alanganin ang kanilang guests.