Megan nagselos kay Mikael dahil kay Andrea

May 23, 2020
Megan Young and Mikael Daez

SIX years nang magkasintahan sina Mikael Daez at ang 2013 Miss World na si Megan Young bago inamin ng Kapuso actor ang kanilang relasyon in February 2017.  Megan was barely 22 years old habang si Mikael naman was 25.  The couple got married last January 10, 2020 sa Caleruega church in Nasugbu, Batangas and had their huge reception nung January 15, 2020 sa El Kabayo, Subic.

Almost eight years na rin ang relasyon ng dalawa when they finally got married.

Having been married for over four months now, ngayon lamang inamin ni Megan na nagselos  umano siya noon sa tambalan nina Mikael at Andrea Torres na unang nagtambal sa TV series na “Sana ay Ikaw na Nga” in 2012.  Pero bago umano sila intrigahin kay Andrea ay kaibigan ng mag-asawa ang nobya ngayon ni Derek Ramsay.

Si Andrea ay nagsimula sa ABS-CBN  bago ito lumipat ng GMA in 2008.

Samantala, hindi nagmamadali ang mag-asawang Megan at Mikael  na magkaroon ng baby dahil gusto raw muna nilang i-enjoy ang kanilang bonding time as a couple.