Home>Entertainment>Showbiz>Megan Young lalabanan ang drag queen sa online gaming

Megan Young lalabanan ang drag queen sa online gaming

Megan Young

PATUTUNAYAN ni Megan Young ang galing niya as a gamer ngayong Biyernes (June 19) sa pagsabak niya sa online gaming tournament laban sa drag queen na si Red Fernandez. Bukod sa tiyak na masaya at mainit ang magiging laban sa pagitan ng dalawang reyna, paraan din ito upang magpalaganap ng kaalaman ukol sa equality for the LGBTQ community and HIV awareness advocacy. Lahat kasi ng malilikom na pondo mula rito ay ido-donate sa ‘Love Yourself Foundation’ para makabili ng HIV testing kits at gamot para sa mga taong living with HIV na mas lalong at risk ang kalagayan ngayong may pandemic. “I’ll be up against Red. Red is a high rank player in the game that we’re going to play and ako, chill gamer,” ani Megan.

Kahit pa aminadong may tyansang maging seryoso ang battle, importante kay Megan na mag-enjoy lamang sa gaganaping tournament. “My only tip that I can give you is to enjoy and parang larong magkakaibigan lang.” Mapapanood ang online tournament ngayong Biyernes, 6pm, sa Facebook page ng Task Us.