Meghan ididemanda anf isang british tabloid

October 04, 2019

KAHIT ang British royal couple na sina Prince Harry (35) at Meghan Markle (38), Duke and Duchess of Sussex ay hindi rin ligtas sa mga intriga at kontrobersiya.

Isa umanong British tabloid ang naglabas ng isa sa private letters ni Meghan ang nakatakdang idemanda ng dating American actress-turned wife of Prince Harry, bunso sa dalawang anak ng yumaong well-loved na si Diana, Princess of Wales, ang ex-wife ni Prince Charles, ama ng mag-kapatid na Prince William at Prince Harry  at  siyang next in line to the British throne.

Nasa kalagitnan ng kanilang ten-day official African trip ang mag-asawang Prince Harry at Meghan kasama ang kanilang five-month old son na si Baby Archie Harrison Mountbatten nang i-anunsyo ng Duchess of Sussex ang kanyang planong pagti-take ng legal action laban sa isang British tabloid.  Nagbigay din na mahaba at emotional statement si Prince Harry hinggil dito at sinabi na ang kanyang wife ang pinaka-bagong ‘victim’ ng British tabloid journalism.

Samantala, ang official trip ng royal couple ay nagsilbing first public appearance ni Baby Archie when Prince Harry and Meghan had tea with Archbishop Desmond Tufu.  Sobrang natuwa ang royal fans dahil kamukhang-kamukha umano ni Baby Archie ang kanyang ama.

Part ng official African visit ng royal couple ang kanilang pagbisita sa Youth Unemployment Services Hub sa Tembisa town.   Nakipag-kita rin ang royal couple sa biyuda ni Nelson Madela na si Graca Machel.  Dumalo rin ang couple sa reception para sa mga creative and business industries kung saan magkahiwalay na nag-deliver ng speeches sina Prince Harry at Meghan.  Nagsalita si Meghan tungkol sa karapatan ng mga kababaihan habang si Prince Harry naman ay nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanyang pamilya at looking forward na umano siya sa pagbabalik sa lugar ng kanyang pamilya.

Ang royal couple na sina Prince Harry at Meghan with their five-month old son na si Baby Archie ay bumalik sa Windsor nung nakaraang Huwebes ng umaga, Ooctober 3.