Home>Entertainment>Showbiz>Melissa engaged na sa bagong boyfriend

Melissa engaged na sa bagong boyfriend

Melissa Ricks and Michael Macatangay
Melissa Ricks and Michael Macatangay

ENGAGED na ang single mom-actress at Star Circle Quest alumna na si Melissa Ricks sa kanyang non-showbiz fiancé na si Michael Macatangay na nangyari nung nakaraang Sabado, August 29 sa Batangas. Ang balitang ito ay ibinahagi ng kanyang close friend, ang “Star Patrol” segment host ng “TV Patrol” na si Gretchen Fullido.

Si Melissa ay may almost six years old daughter sa kanyang ex-boyfriend, ang chef at businessman na si Charles Togezaki na si Kiera Kelly.

It was in September last year nang magsimulang mag-post si Melissa kasama ang kanyang bagong boyfriend na si Michael nang sila’y magbakasyon sa Singapore.

Bago nakilala ni Melissa si Michael ay na-link na rin noon ang 30-year-old actress-vlogger sa ibang showbiz guys tulad nina Matt Evans, Jake Cuenca, Jolo Revilla at Paul Jake Castillo. Sa apat na nabanggit, tanging si Jake na lamang ang wala pang asawa but is currently in a relationship with former beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)