Home>Entertainment>Showbiz>Menudo ni Marian na-miss ni Dingdong

Menudo ni Marian na-miss ni Dingdong

Dingdong Dantes

NAG-SELF quarantine si Dingdong Dantes matapos ang lock-in taping ng Descendants of the Sun PH para makasiguro sa kaligtasan ng pamilya. Pero hindi nakaligtaan ng kanyang asawang si Marian Rivera na padalhan siya ng paborito niyang pagkain.

Sa Instagram story ni Dingdong, ibinahagi niya ang pinadalang menudo ni Marian na sinamahan ng caption na, “Salamat mahal ko! I’ve been craving for this! #MenudoNiIngkang #MenudoNiMarian.”

Agad naman siyang sinagot ni Marian at pinost sa kanyang Instagram story na, “See you soon, Mahal!”

Cassy hihiwalay na sa pamilya

Cassy Legaspi
Cassy Legaspi

SA isang video ng Legaspi family sa YouTube channel ni Carmina Villarroel, inanunsyo ni Cassy Legaspi na malapit na siyang mapanood sa kanyang sariling YouTube channel.

Kuwento ni Cassy, “I’m just settling things. Pero most likely, I would say second or third week of September.”

Ipinaliwanag naman ni Carmina kung bakit nahihirapan ang kanyang anak sa pag-asikaso ng kanyang channel, “Medyo busy rin siya because aside from taping Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition, of course they have school. It’s not really easy to make your own YouTube channel. May limit lang ‘yung mga galaw namin because we don’t go out.”

Inamin ni Carmina na hindi madali ang pagbuo ng channel base sa kanyang experience. “It’s not a joke to have a YouTube channel. I can say this because I can relate. Because I have my own channel and it’s not really easy,” lahad ni Carmina.

Rocco utang na loob kay Wolf ang pagiging navy reservist

Rocco Nacino
Rocco Nacino

HALATANG emotional si Rocco Nacino sa Instagram post niya sa last taping day ng primetime series na ‘Descendants of the Sun.’

“Finally home. Yesterday was the last day na suot ko ang uniporme ni Diego Ramos. Mangiyak-ngiyak ako habang hinuhubad ko ang outfit na ito, realizing that yes, tapos na kami sa show na ito.”

Nagpasalamat din si Rocco sa lahat ng bumubuo sa show, “Thank you Wolf, talagang minahal ko ang pagganap sa character mo, dahil sayo kaya ako naging isang Navy Reservist. The tears weren’t for the last taping day, it was all for the blessings that came because of the show. Now we sit back and wait, sabik ako makita ang produkto ng pinaghirapan namin ng isang taon. Thank you to everyone involved in this show. This is Technical Sargeant Diego Ramos, aka Wolf, mission accomplished! Abangan ang Descendants of the Sun: The Philippine Adapatation, soon on GMA Telebabad.”

Winwyn may takot sa pagbabalik-taping

Winwyn Marquez
Winwyn Marquez

KABADO pero excited na nag-share ang beauty queen-actress na si Winwyn Marquez sa kanyang fans sa nakaraang Kapuso Brigade ZOOMustahan tungkol sa upcoming GMA show na ‘I Can See You. Nagsimula na ang taping ng cast nito kung saan ay kasama ni Winwyn sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres at Benjamin Alves.

Naikuwento niya na may takot pa rin siyang nararamdaman sa nakakapanibagong work setup, “I’m leaving this week for a lock-in taping, so ‘di ko alam kung ano i-expect ko at paano ako mag-a-adjust. I just want to be honest. Natatakot ako, siyempre, kasi ‘di ko alam kung papaano kikilos, ‘di ko alam kung maapektuhan ba ‘yung pag-a-acting–it’s all new, e. Siguro, I’ll just take it day by day kung paano ako mag-a-adjust sa work.”

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal