Home>Entertainment>Showbiz>Meryll inilihim ang pagbubuntis

Meryll inilihim ang pagbubuntis

Joem Bascon and Meryl Soriano
Joem Bascon, Meryl Soriano and their baby

DALAWA na ang apo ng game show host-producer na si Willie Revillame sa kanyang panganay na anak, ang aktres na si Meryll Soriano, ang 13-year-old na si Elijah Pineda Palanca (from ex-husband Bernard Palanca) at ang bagong silang na baby (courtesy of actor Joem Bascon). Ang bagong apo kay Meryll ang magsisilbing advance birthday gift sa game show host-producer who is turning 60 sa darating na January 27.

Meryl Soriano and Willie Revillame
Meryll with dad Willie Revillame and baby
Meryll Soriano and Elijah Pineda Palanca
Meryll and son Elijah

Willie has three children sa tatlong magkakaibang babae. Si Meryll ay anak niya kay Bec-Bec Soriano (nakatatandang kapatid ng Diamond Star na si Maricel Soriano), Juan Emmanuel or Juame sa kanyang second ex-wife na si Liz Almoro at ang Baguio-based teen-age daughter niyang si Marimonte Shantelle sa isang non-showbiz ex-girlfriend.

Samantala, late last year napabalitang nagkabalikan sina Meryll at Joem na nagsimula sa set ng pelikulang “Culion,” isa sa walong official entries ng 2019 Metro Manila Film Festival. Ito’y sinundan ng muling pagsasama ng dalawa sa TV series na “Starla” na nagsimulang umere nung October 7, 2019. The following month naman napabalitang nakipaghiwalay ang actor sa girlfriend nito for eight years, ang vlogger na si Crisha Uy.

Unang naging item sina Meryll at Joem nang magkasama ang dalawa sa dating TV series ng ABS-CBN, ang “I Love Betty La Fea” in 2008 to 2009. Pero nagkahiwalay din ang dalawa only to reconcile ten years later.

Nung January 1, 2020 ay kasama na si Joem ng pamilya ni Meryll na sinalubong ang bagong taon. At bago nagtapos ang taong 2020 ay may baby na ang dalawa.

Hindi pa nagbibigay ng detalye sina Meryll at Joem sa eksaktong date kung kelan isinilang ang kanilang baby maging ang pangalan at gender ng bata.

Angelica may bagong boyfriend

 Angelica Panganiban
Angelica Panganiban and new boyfriend

MARAMI ang natutuwa sa 34-year-old Kapamilya star na si Angelica Panganiban sa pagkakaroon nito ng bagong pag-ibig na isang non-showbiz guy na mukhang foreigner.

Kung masaya si Angelica sa kanyang best friend, ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro na engaged na sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey, masaya rin si Glaiza for Angelica sa pagkakaroon nito ng bagong boyfriend. Ang huli niyang naka-relasyon ay ang actor na si John Lloyd Cruz pero after several years of being together ay nagkahiwalay sila nung early part ng 2016. People thought na muli silang magkakabalikan ng kanyang unang boyfriend, ang actor na si Carlo Aquino pero hindi ito nangyari.

The “Walang Hanggang Paalam” star was also in a long relationship with athlete, model-turned actor na si Derek Ramsay pero sa hiwalayan din nauwi ang kanilang relasyon.

Umaasa naman si Angelica na sana’y hindi na magkaroon ng wakas ang relasyon nila ng bagong nobyo.

Diego at Barbie bagong taon, bagong pag-ibig

MASAYANG sinalubong ang bagong taon ng bagong magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

It was last Friday, January 1 nang mag-post si Diego sa kanyang Instagram account ng picture nila ni Barbie na kuha sa isang beach in Bohol kung saan nagpalipas ang dalawa ng Christmas at Bagong Taon.

Bohol ang hometown ng ama ni Diego na si Cesar Montano.

Huling naging kasintahan ni Diego ay ang Kapamilya actress na si Sofia Andres pero may iba na itong karelasyon ngayon, ang international car racer na si Daniel Miranda na nagmula sa isang prominent family ng mga Lhuillier in Cebu. Ang couple ay meron na ring isang one-year-old daughter na si Zoe na isinilang ng young actress sa Australia nung November 24, 2019. Pero nitong June lamang inamin ni Sofia ang tungkol sa baby nila ni Daniel.

Si Barbie naman ay dating karelasyon ang young actor na si Paul Salas at hindi naging maganda ang kanilang hiwalayan in 2018. Na-link sandali si Barbie sa kanyang “Araw Gabi” co-lead actor na si JM de Guzman pero hindi ito nag-prosper.

Dating magkasama sina Diego at Barbie sa bakuran ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN pero lumipat ang una sa pamamahala ng Viva Artists Agency (VAA).

Alden simple lang ang birthday celebration

KAKAIBA ang naging selebrasyon ng Kapuso prized actor na si Alden Richards sa kanyang 29th birthday last Saturday, January 2. Isang simpleng salu-salo lamang ang naganap sa kanilang tahanan kasama ang kanyang pamilya.

Bago ang kaarawan ng actor ay nalungkot siya sa pagsasara ng isa sa tatlong branches ng kanyang restaurants, ang Concha’s Café na matagpuan sa Sct. Madrinan in Quezon City. Ang dalawa pa niyang branches ay matatagpuan sa Silang, Cavite at Tagaytay.

Although nung March 2020 pa nagsimulang bumagsak ang mga negosyo dahil sa Covid-19 pandemic, pilit na iginapang ni Alden ang kanyang negosyo dahil naaawa umano siya sa kanyang mga empleyado. Pero may hangganan ang lahat kaya nag-desisyon na rin ang actor na isara ito simula nung December 31, 2020.

Ang hindi malinaw ay kung bukas pa rin ang dalawang branches ng Concha’s Garden Café laluna yung nasa Tagaytay dahil unti-unti na ring bumabangon ang mga negosyo sa nasabing lugar.

Si Alden ay may sariling franchise ng McDonald’s in Binan Laguna.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger

One thought on “Meryll inilihim ang pagbubuntis

Comments are closed.