Metro Manila Film Festival box-office winners, nakikita na

December 27, 2018
Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza
Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza

WINNER ang Viva Films sa Metro Manila Film Festival  dahil parehong humahataw sa takilya ang dalawa nilang pelikula sa ongoing Metro Manila Film Festival, ang “Fantastica” na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Richard Gutierrez at Dingdong Dantes which Viva co-produced with Star Cinema at ang horror-thriller movie na “Aurora” na pinagbibidahan naman ni Anne Curtis at co-production ng Viva Films at Aliud Entertainment.

Kung pagbabasehan ang pila sa mga sinehan in Metro Manila, halos sold-out ang mga screening time ng mga pelikulang “Fantastica,” “Jack Em Popoy: The Pulis Credibles” (na tinatampukan nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza) gayundin ang “Aurora”sa pagbubukas ng walong kalahok sa MMFF  sa mga sinehan nationwide simula nung araw ng Pasko, December 25.  Kung magpapatuloy ang puwersa ng tatlong pelikulang nabanggit sa mga susunod na mga araw hanggang sa pagtatapos ng Christmas holiday filmfest, mukhang ang mga ito ang pasok sa Top 3 among the 8 entries.

More or less ay may ideya na kami kung aling pelikula ang nasa tail-end but we decided not to mention them anymore until after the filmfest is over.

Masayang-masaya siyempre si Vice Ganda dahil muli niyang napatunayan na siya talaga ang hari o reyna ng Metro Manila Film Festival.

Taun-taon ay si Vice Ganda mismo ang sumisira sa sarili niyang box-office records.  Ang kanyang 2017 MMFF entry na “Gandarrapiddo:  The Revenger Squad” na dinirek ni Joyce Bernal for Star Cinema and Viva Films ay kumita ng P571-M sa takilya at expected na ito’y masu-surpass ng kanyang “Fantastica” movie.

Samantala, malaking karangalan naman para kina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes na mapasama sa MMFF movie ni Vice Ganda dahil ito ngayon ang nangunguna sa takilya.