Metro Manila Film Festival committee pinoprotektahan ang mga 'di masyadong kumitang pelikula

January 10, 2019

SANDALI naming nakausap ang chairperson ng MOWELFUND at isa sa mga miyembro ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival na si Manay Ichu Maceda sa recent meet-the-press ng actor at dating senador na si Bong Revilla sa Gloria Maris hosted by Regal matriarch Mother Lily Monteverde last Wednesday nang tanghali.

Tinanong namin  si Manay Ichu kung bakit hindi agad naglabas ang MMFF ng final ranking and individual figures ng walong pelikulang kalahok sa ika-44th MMFF na nagtapos last January 7, 2019.

Ipinaliwanag ni Manay Ichu na ito’y proteksiyon na rin umano sa producers and stars ng mga pelikulang hindi gaanong pumalo sa takllya.  Kung may mga naglalabasan mang figures o ranking, definitely hindi umano ito nagmumula sa MMFF Executive Committee at malamang daw na galing ang information sa mga producer mismo ng mga pelikulang kalahok

Masaya ang MMFF Executive Committee dahil naabot nila ang kanilang goal na P1-B plus ang maging gross ng 2018 MMFF.

We also suggested kay Manay Ichu na sana’y ibalik sa Roxas Blvd. in Manila ang taunang Parada ng mga Artista na nakagawian na ng for longest time magmula nang ito’y itatag ng dating mayor ng Maynila na si Antonio de Jesus Villegas in 1975. Pero hinahabol din umano ng ibang siyudad ng Metro Manila ang tax incentive na kanilang makukuha kapag sa kanilang lugar ginanap ang Parade of Stars.  Pero hindi na lamang sa mga Metro Manila theaters ginaganap ang taunang MMFF kundi nationwide na.