Mga aktres may mga presyo

September 10, 2019

MARAMI ang advantages at disadvantages ng social media.  Malaki itong advantage sa lahat kung ito’y nagagamit sa maganda at tamang paraan at purpose at disadvantage naman kung ito’y nagagamit sa pamba-bash ng ibang tao.

Kailangang maging maingat ang lahat sa paggamit ng kanilang mga social media accounts dahil puwede itong ma-hack o manakaw ang mga impormasyon Including their pictures para gamitin sa masama.  Kasama na rito ang pagki-create ng mga fake accounts to solicit money sa kanilang would be victims.

Ang pinakabagong social media victim ay ang Kapamilya talent na si Ivana Alawi na ang pangalan at larawan ay nakabandera sa social media for `booking’ na nagkakahalaga umano ng P2-M ang presyo per hour bagay na inalmahan mismo ng actress at ng kanyangmanager na si Perry Lansigan.  Ang isa pang masaklap ay kung may pumatol sa fake ad  at nakapagbigay ng P2-M.

Ang isa pa umanong biktima ng `fake ad’ ay ang Kapuso actress na si Jackie Rice na may presyo umano ang `booking’ nito.

Marami ang mga social media scam soliciting for money kaya kaila-ngang ibayong ingat ang kailangan.