Mga anak ni Annie Brazil, muling nagkasama-sama

March 07, 2019
Richard Merk
Richard Merk, Raffy, Rachel Anne Wolfe and Ronnel at the wake of Annie Brazil.

WE were one of the first few to arrive at the first day wake of Philippine Jazz Queen na si Annie Brazil sa Premier 1 Chapel ng Loyola Memorial Chapels in Guadalupe, Makati City last Wednesday afternoon.  Inabutan namin doon ang mag-kakapatid na Richard Merk, Rachel Ann Wolfe (who just arrived from New Jersey, USA) at ang bunsong si Raffy.  Maya-maya lamang ay dumating na rin ang isa pa nilang kapatid na si Ronnel Wolfe, dating member ng Octo Maneuovres dance group at ng youth-oriented program ng GMA ang “That’s Entertainment.  Naging miyembro rin noon si Ronnel ng sikat na Quamo trio pero napariwara ang buhay nang ito’y makulong ng ilang taon na may kinalaman sa droga. Ang isa pang anak ni Tita Annie na si Bobby (ang kauna-unahang kinoronahang Miss Gay Philippines) ay sumakabilang-buhay in 1990 at age 22.

Bago nagkasakit ang jazz icon, siya’y namirmihan sa New Jersey, USA for 25 years kasama ang kaisa-isang anak na babae, ang singer actress at dating beauty queen-actress na si Rachel Ann Wolfe kasama ang pamilya nito, ang kanyang Italian-American husband na si John Charles Spitaletta at apat na anak na sina Maxwell, Trevor, Luke at Jake.  Si Max ay anak ni Rachel sa kanyang first husband na isang Filipino-American doctor, si Dr. Carl Calica.

Unang nagka-stroke si Tita Annie in 2016 sa Amerika at siya’y inalagaan nang husto ni Rachel and her family.  Pero nang lumakas-lakas na ay nagpumilit umano itong  makauwi ng Pilipinas. Ayaw pumayag ni Rachel and her husband maging ang kanyang apat na apo.  Pero hindi umano napigilan ang kagustuhan ng veteran jazz singer.  In September 2017 ay umuwi ito ng Pilipinas pero nagkaroon ito ng pangalawang stroke at dito na unti-unting nag-deteriorate ang kanyang health.  Nag-desisyon ang magkakapatid na dalhin sa isang nursing home si Tita Annie, ang Happy Nest Care Community in Quezon City at ang bunso nitong si Raffy ang nakatutok dito habang remotely ay nagtsi-check si Rachel Ann. Dahil may sakit din, hindi madalas makabisita si Richard pero regular din itong tumatawag at kumakausap sa ina.  Katunayan, the day before she died ay huling nakausap ni Richard ang ina at nakahingi umano siya ng tawad at ipinarating  niya  ang kanyang pagmamahal sa ina.  Nang huling makita ni Rachel on Facetime  na tila hirap na ang kanyang ina, nag-desisyon itong lumipad pabalik ng Pilipinas.  Kasalukuyan siyang nasa himpapawid nang bawian ng buhay ang kanyang ina ng 4:26 p.m. ng March 5, araw ng Martes.  Dumating naman siya kinabukasan ng umaga, March 6 at dumiretso na siya sa unang araw ng lamay ng ina na nagsimula ng alas-12 ng tanghali.  The following day naman ay sumunod na dumating ang husband ni Rachel na si John.

“Very close si Mommy kay John at sa kanyang mga apo,” pagmamalaki ni Rachel.  “They adore her.”

May sariling kuwarto si Tita Annie sa bahay nina Rachel at John in New Jersey at naroon umano lahat ng personal na gamit ng yumaong jazz legend at kasama rito ang kanyang mga gowns at iba pang mga gamit sa kanyang pagsu-show when she was still alive.

“I was very very close to my mom and I will miss her dearly,” nangingilid ang luha na tinuran ni Rachel na matagal naming nakakuwentuhan.

“She had a boyfriend in New York pero wala na rin siya,” patuloy ni Rachel.

“Kung hindi siguro nagpumilit si Mommy na umuwi ng Pilipinas ay malamang buhay pa siya,” may tonong panghihinayang na sinambit ni Rachel.

“The long travel was not good for her dahil hindi pa siya gaanong magaling but she insisted na makauwi ng Pilipinas kaya nagkaroon siya ng panibagong stroke in 2017.  Since then, hindi na siya naka-recover,” pagbabalik-tanaw ni Rachel.

Huling lamay sa araw na ito ng Biyernes, March 8 dahil bukas ng umaga ay nakatakdang i-cremate ang  mga labi ni Tita Annie.  Babahaginan ng abo ng kanilang ina sina Richard, Ronnel at Raffy pero ang urn na paglalagyan ng abo ay dadalhin ng mag-asawang Rachel at John sa New Jersey.

“My kids miss their grandma so much,” nangingilid ang luhang tinuran ni Rachel.

Inabutan din namin sa wake ang misis ni Richard na si Ron Tapia-Merk who is also undergoing medical treatment dahil sa sakit nitong kanser habang nasa wheelchair naman si Richard na kamakailan lamang lumabas ng pagamutan.    

Nagkahiwalay man ang mag-asawang Richard at Ronnie Merk, inaasahan din na ito rin ang maging simula ng kanilang muling pagkakasundo kasama ang kanilang 18-year-old daughter na si Manna.

Samantala, red gown ang suot ng Philippine Jazz Queen na si Annie Brazil sa loob ng kanyang kabaong at napakaganda ng kanyang ayos na animo’y natutulog lamang.  Mababanaag ang kanyang ganda sa kabila ng kanyang edad na 85.  Napapalibutan naman siya ng mga red roses na kakaiba sa traditional na white flowers.