Mga anak ni James na Italyano gusto niyang turuan ng Visaya at Ilonggo

July 04, 2020
James Yap and Michela Cazzola
James Yap and Michela Cazzola with kids MJ and Franchesca

FOUR years at two years old na, respectively, ang dalawang anak ng basketball superstar na si James Yap sa Italian partner na si Michela Cazzola na sina Michael James (MJ) at Franchesa Michelle.  Ang pamilya ay kasalukuyang nasa Italy for an extended vacation.

Thirteen years old ang anak ni James sa dating asawang si Kris Aquino na si Bimby na matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita at nakakasama.

Dahil Italian si Michela, unti-unti na rin niyang tinuturan ang mga anak ng Italian language laluna ang panganay na anak na si MJ although English ang madalas nilang usapan sa loob ng bahay.

Gusto rin ni James na matuto ang kanyang mga anak ng Tagalog at sa kanyang local dialect na Cebuano at Ilonggo.

Si James ay may isa pang anak, his eldest son sa isang non-showbiz girl na never nakilala ng publiko.