Mga artistang may mga sarili nang negosyo

September 13, 2019

NATUTUWA kami  sa celebrities na nagbi-venture sa iba’t ibang negosyo and investments bilang paghahanda na rin sa kanilang future at sa kanilang mga pamilya at marami sa kanila ang successful sa kanilang mga itinayong business.

Hindi maikakaila ang pagiging  successful restaurateur ng actor-businessman na si Marvin Agustin.  Kapamilya young star Kathryn Bernardo has several branches already ng kanyang Kathnails Salon (which is into franchising already).  May sariling franchise na rin si Maine Mendoza ng McDonald’s sa kanyang hometown in Bulacan gayundin si Alden Richards in Binan, Laguna at apat ng branches ng Concha’s Café.  May mga sariling negosyo na rin sina Piolo Pascual at Matteo Guidicelli.  Ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ay may sarili na ring milk tea business, ang Happy Cup which has  already  several branches and is into franchising now.  May sarili ring tea business si Ella Cruz, ang Tea Tops sa kanyang hometown sa Bustos, Bulacan.  May sarili ring mga negosyo ang actor-businessman na si Richard Yap gayundin si Jodi Sta. Maria.  Isa ring matagumpay na negosyante ang TV host-actor na si Luis Manzano na may sariling fleet ng taxi, several branches ng gasoline stations at iba pang negosyo. Ang mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles ay may sarili ring  business ganundin ang couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.  May sarili ring negosyo ang Kapamilya actor na si Enzo Pineda.  Ang singer-actess na si Ara Mina ay meron na ring apat ng branches ng kanyang Hazelberry business at tuluy-tuloy pa rin ang kanyang online business ng iba’t ibang skin and beauty products.  Concert Queen Pops Fernandez put up her own production outfit which produces concerts  of other artists and is also into film production.  Meron din siyang sariling online business.  May salon business din si Karla Estrada.

Last May, binuksan naman sa publiko ang restaurant business ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos with their business partners, ang brother ni Ryan na si Dondee Agoncillo at wife nitong si Malao Agoncillo, ang Angrydobo na matatagpuan sa harap ng De la Salle University in Taft Avenue, Manila.  Si Judy Ann ang tumatayong executive chef ng restaurant at katulong naman si Ryan sa business operation.

Sila ay ilan lamang sa maraming  kilalang personalidad na matagumpay sa kanilang mga itinayong negosyo.  At least meron silang ibang pinagkakakitaan liban sa kanilang trabaho sa showbiz.