Mga artistang reservist ng iba’t ibang puwersa

July 04, 2020

KUNG ang ex-PBB housemate-turned Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez ay nagti-training bilang reservist ng Philippine National Police Aviation Group at sina Arci Munoz at at JM de Guzman bilang reservists ng Philippine Air Force,  kakaibang training naman ang pinasok ng Kapuso actor na si Wendell Ramos dahil isa siyang firefighter volunteer and new member  ng ABP o Ang Bumbero ng Pilipinas, isang non-government organization.

Matapos mag-training as firefighter volunteer, doon lamang lubos naunawaan ng actor kung gaano kahirap ang trabahong ito dahil parating nakataya ang kanilang mga buhay kapag sila’y gumaganap sa kanilang tungkulin.

Samantala, ang mga taga-showbiz na certified reservist na ngayon ng Philippine Army, Philippine Navy at Air Force ay sina Matteo Guidicelli, Dingdong Dantes, Gerald Anderson, Diether Ocampo at Ronnie Liang.