Mga bago at malalaking shows, ilulunsad ng GMA-7

January 04, 2019

WALA na sa bakuran ng GMA ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, pero ipagpapatuloy nila ang kanilang nasimulan noong isang taon na isang reality singing competition na “The Clash” which was hosted by her.  Wala pang inilalahad ang Kapuso Network kung sino sa Kapuso talents ang papalit bilang host ng nasabing programa.

Nakatakda ring mag-launch ng bagong reality show for the kids ang GMA, ang “Centerstage for Kids.  May isa pa silang bagong reality program na sisimulan this year, ang “Sing for Hearts”.  Nakatakda ring i-revive this year ang ika-7th season ng reality talent search na “Starstruck”. Gagawa rin ang GMA ng kanilang local version ng Korean hit TV series na “Descendants of the Sun” na pinagbidahan nina Song Joong-ki at Song Hye Kyo at ipinalabas sa Kapuso Network in 2016.  Lumulutang ang mga pangalan nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa local adaptation ng nasabing serye.

Magsisimula naman this month sa afternoon block ang “TODA One I Love” na pinagtatambalan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid, isang rom-com na kung saan kasama rin sina Gladys Reyes, Victor Neri, Raymond Bagatsing, Jackie Rice, David Licauco at iba pa.

This month din magsisimula sa Kapuso Network ang musical-drama series na “Inagaw na Bituin” kung saan mga pangunahing bida sina Kyline Alcatara at Therese Malvar na kung saan ding tampok sina Sunshine Dizon, Angelika de la Cruz, Angelu de Leon at marami pang iba.

Sa buwan naman ng February 2019 matutunghayan ang “Kara Mia” nina Barbie Forteza at Mika de la Cruz kung saan din kasama ang real life boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto with John Estrada, Carmina Villarroel, Glydel Mercado, Mike Tan, Gil Cuerva, Althea Ablan at iba pa.  Nariyan din ang “Sahaya” nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix and Migo Adecer.  Dito ay gaganap na isang badjao girl si Bianca.

Sina Max Collins, Mark Herras at Jason Abalos naman ang mga pangunahing bituin sa “Stolen” (dating “Ganti”).  Isa namang advocacy TV series ang “Hiram na Anak” na kung saan naman mga pangunahing bituin sina Yasmien Kurdi, Lauren Young, Paolo Contis at Dion Ignacio.

Isa namang rom-com ang bagong TV series na pagtatambalan for the very first time nina Gabby Concepciona at Jennylyn Mercado na siya ring magiging first TV assignment sa Kapuso Network ng bagong lipat na si Kiray Celis.  Makakasama rin sa nasabing serye sina Shaira Diaz at Sheena Halili among others.

Magtatambal naman sa unang pagkakataon sina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez sa “Dragon Lady”.   Magkakasama naman sina Mikael Daez at Max Collins sa isang sitcom, ang “Alex and Amie”.

Ang iba pang mga bagong programa ng Kapuso Netwok na dapat abangan this year ay ang “Mga Kamay ni Milagros,” “The Better Woman,” “Till Debt Do Us Part,” “One of the Bais” at iba pa.