Mga bagong anak ni Joel Cruz bininyagan

May 03, 2019
Joel Cruz
Joel Cruz with his 7th and 8th child and Mom Milagros Cruz.

GANAP nang mga Kristiyano ang pampito at pang-walong anak ng CEO ng Aficionado Perfumes and Personal Care na si Joel Cruz na sina Zaid at Ziv who are four months apart.

Ang binyag ay ginanap sa Santuario de San Antonio Parish in Forbes Park, Makati habang ang bonggang reception ay ginanap sa Rizal Ballroom ng Shangri-La Hotel Manila in Makati.  Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa business, politics, showbiz and society.

Kasama sa mga tumayong godparents ay ang LCS Group of Companies chairman and president at dating gobernador ng Ilocos Sur na si Gov. Chavit Singson, Ricky Davao, Pagsanjan Mayor Maita (Sanchez) Javier-Ejercito, Jazz Carreon, Commodore Ildefonso Tronqued, Jr., Ana Angara, Chito Duran, Nonie and Bert Basilio, Serge Ortiz Luis, Jr., Atty. and Mrs. Gerald Quebral at iba pa.

Sina Zaid and Ziv ay kabilang sa walong anak (three of which were born twins) ng perfume magnate na si Joel sa pamamagitan ng surrogacy.

Nung nakaraang Easter Sunday, April 21 ay kasama ni Joel ang kanyang inang si Milagros Cruz, ang kanyang walong anak and their respective nannies, mga kapatid at iba (50 of them) sa blessing and reception ng kanyang newly-acquired three commercial buildings in Walnut at Rialto, San Bernardino in California, USA.