Mga balitang yumanig sa 2018

December 28, 2018
Gary Valenciano

ANG isa sa mga yumanig na balita sa showbiz sa taong 2018 ay ang pagsailalim ni “Mr. Pure Energy” na si Gary Valenciano ng emergency open heart surgery nung May 6, 2018 matapos manikip ang kanyang dibdib after his 35h anniversary performance on ASAP that day with son Gab Valenciano.  Naging successful ang nasabaing operation. Pero habang nagpapagaling si Gary V. sa kanyang heart operation ay may isa pang nakakawindang na sakit ang nadiskubre sa kanya ng mga doctor, ang kidney cancer.  Ipinaubaya na lamang ni Gary V. sa Diyos at sa mga doctor ang kanyang kapalaran pero matapos ang treatment at isa pang gamutan sa kanya, he was declared cancer-free ng mga doctor in July this year.  Ang buong kuwento  ng pagkakasakit at pinagdaanan ng mister ni Angeli Pangilinan-Valenciano ay ipinalabas sa exclusive interview ni Korina Sanchez kay Gary V. last July 8, 2018 on “Rated K”.

Nabigla rin ang sambayanang Pilipino sa pagyao ng stage-TV and movie actor na si Spanky Manikan nung January 14 na sinundan ng fashion icon na si Pitoy Moreno kinabukasan January 15 at sinundan ng award-winning TV and movie director na si Maryo J. de los Reyes nung January 27 kasunod ang actor na si Rolly Quizon nung March 15 at ng veteran screenwriter at dubbing supervisor-actress na si Mely Tagasa ung March 24.   Ipinagluksa rin ang pagkamatay ng “Total Entertainer” at OPM King na si Rico J. Puno nung October 30, 2018 dahil sa sakit nito sa puso sa edad na 65 na sinundan ng veteran actor na si Nonong `Bangkay’ de Andres nung November 6 sa edad na 76. Nung December 9 naman ay sumakabilang-buhay ang isa pang veteran actress na si Alona Alegre. She was 70.