Mga bokya sa award, kumikita sa takilya

December 28, 2019
Coco Martin & Vice Ganda

ALTHOUGH patuloy na tumatabo sa takilya ang Philippine adaptation ng Korean hit movie in 2013 na “Miracle in Cell No. 7” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Xia Vigor mula sa direksiyon ni Nuel Naval, wala itong nakuhang award sa kabila na si Aga ang mainit na pinag-usapang mananalo ng Best Actor award. 

Ang tanging nakuha ni Aga ay ang Scratch It Male Star of the Night.  Bokya rin sa anumang parangal ang tatlo pang box office hit movies na “The Mall, The Merrier” nina Vice Ganda at Anne Curtis,  “3pol Trobol: Huli Ka Balbon” nina Coco Martin, Ai-Ai de las Alas at Jennylyn Mercado maging ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” nina Vic Sotto, Maine Mendoza, Pokwang at Jake Cuenca.

Gayunpaman, ang mga pelikula nina Vice Ganda, Coco, Aga at Vic ang siyang pinipilahan ngayon sa mga sinehan nationwide.  Inaasahan namang aangat sa takilya ang Mindanao, Write About Love at Sunod.  Pero paano na lamang ang mga sinehan na na-pull out na sa mahihina ang performance sa takilya  nung first day at idinagdag sa malalakas na pelikula.  Maibabalik ba ito sa kanila?

In fairness, worth watching din ang mga pelikulang “Mindanao,” “Write About Love” at “Culion.”