Mga bumabato sa Bato movie, malilinis ba?

January 31, 2019
Robin Padilla
Robin Padilla

TULOY pa rin ang showing ng pelikulang Bato: The General Ronald dela Rosa Story ni Robin Padilla.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng ilang taga-pelikula na i-boykot ang biopic ni General Bato. Film director Lore Reyes openly fired the shot against the movie. Kaya naman  humantong sa palitan ng salita ang dalawa. Depensa ng action star, sana'y huwag naman daw siyang idamay sa usaping pulitika dahil "trabaho lang" at "pelikula lang" daw ito.

Lalo pang uminit ang diskusyon nang sumali sa usapin ang isa pang movie director na si Carlitos Siguion Reyna. Sa Facebook post nito, “if one makes a biopic about a candidate running in the upcoming midterm senatorial election, and promotes it for release five months before said election, a release which may or may not boost that candidate’s ranking to the top 12 in political surveys, do you call that ‘pelikula lang ito, walang politika’? It is evident that ALL of the above are political acts. Hindi ‘pelikula lang'."

Aminin o hindi, malinaw na malaking tulong ang biopic na ito sa senatorial bid ng dating Chief ng Philippine National Police at Bureau of Corrections ngayong May elections. Kaya nga itinaon ang pagsasapelikula ng kanyang buhay para makatulong ito sa darating na kampanya na magsisimula ngayong Pebrero 12 para sa national posts.

Nakakatawa lang na mismong taga-industriya ang bumabatikos sa personal choice ng mga artista gaya ni Binoe. Kung ano man ang dahilan ng aktor para gawin niya ang pelikula ay personal niyang desisyon ito na kailangan nating irespeto. Dahil alam naman niya ang consequences nito.

Ang nakakapikon lang sa ilang mga taga-industriya ay kung bumatikos 'kala mo naman walang bahid. Ika nga nila, linis-linisan. At ano ang karapatan nila para diktahan ang moviegoers kung ano ang dapat panoorin o hindi. Sabi nga ng isa kong kaibigang TV writer, "palibhasa daw wala sila sa eksena sa kasalukuyang administrasyon kaya putak nang putak."

Sa bangayan ng mismong taga-industriya, pinapatunayan lang nila na wala silang pagkakaisa. Sa kabilang banda, maganda rin ang ganito dahil buhay ang freedom of speech. At least, hindi pa hinahawakan ng gobyerno ang leeg ng sining sa bansa.

Pero 'di maikakaila na may mga ilang alagad ng sining na nagpapahawak ng leeg sa kasalukuyang administrasyon. Pera-pera na lang ba ang dahilan? Sinu-sino sila? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj @yahoo.com.