Home>Entertainment>Showbiz>Mga dating ABS-CBN talents dumadagsa na sa iba’t ibang network

Mga dating ABS-CBN talents dumadagsa na sa iba’t ibang network

MARAMING mga bagong programa ang inaasahang matunghayan sa mga nalalapit na araw sa TV5 at karamihan sa mga talents ay magmumula sa ABS-CBN.

Given na ang pagkakaroon ng radio ng TV program ng veteran radio and TV anchor na si Ted Failon sa TV5 matapos niyang magpaalam sa kanyang “FailonNgayon” radio program sa DZMM Teleradyo last August 31 at sa kanilang long-running news program on TV, ang “TV Patrol” na pinagsamahan nila nina Kabayan Noli de Castro at Bernadette Sembrano although hindi na siya nag-report sa TV Patrol nung Lunes ng gabi.

May balita kami na magkakaroon ng programang magkasama ang mag-amang Gabby Concepcion at KC Concepcion. Nababalita ring magiging host si Billy Crawford ng bagong noontime show sa Kapatid Network.

Although patuloy pa rin ang maraming mga programa ng ABS-CBN at sa kanilang DZMM Teleradyo, ito’y sa pamamagitan na lamang ng cable, online at social media.

Marami pang ibang kilalang personalidad at mga artista ang inaasahang lilipat sa ibang TV network.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)