Mga fans na nawawala

December 08, 2018
Sharon Cuneta and Richard Gomez

MUKHANG matamlay ang resulta ng "Three Words to Forever" sa takilya.

Ito ang obserbasyon namin base sa pananahimik ng Star Cinema. Dati-rati kasi pinu-post nila ang kita ng kanilang pelikula 'pag certified hit ito. Maliban sa mga naglalabasang "praise release", walang masyadong engagement ang mga netizen sa online world. What gives?

Mukhang hindi na-hype nang maayos ang reunion movie na ito nina Sharon Cuneta at Richard Gomez. Balita namin na photo-finished ang nasabing pelikula para lang umabot sa playdate nito. Hindi rin bumenta 'yung mga pakilig ni Sharon. Sa totoo lang, nakakaumay na 'yung style ni Sharon na tawa nang tawa kahit hindi nakakatawa. In short, sobrang predictable. Kaya marahil 'yan din ang nasa isip ng moviegoers na makikita nila sa pelikula. In short, walang bago. 'Yan din ang pabirong obserbasyon ni
Vice Ganda nung nag-guest ito sa Gandang Gabi Vice. Frankly, hindi rin kami natutuwa sa kanyang style. Buwelta naman ng isang kaibigan, "diyan siya minahal ng kanyang fans. Besides Sharon is Sharon."

Mukhang hindi rin naging supportive ang KathNiel fans sa unang pelikula ni Kathryn Bernardo na 'di katambal si Daniel Padilla.

Ayon sa mga nakapanood na, mas maganda raw na 'di hamak ang "Unexpectedly Yours" na reunion movie nina Sharon at Robin Padilla. Sa nasabing pelikula, kasama nila doon sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Seemingly, the JoshLia loveteam was a big factor in the success of said movie. Sa resulta ng pelikula sa takilya, mukhang 'di pa kayang magdala ng sariling pelikula itong si Kathryn.

Ibig bang sabihin na naging blockbuster ang "Three Words to Forever" kung isinama si Daniel sa pelikula? Saan na ang mga fans nina Sharon at Goma? Just asking...
ERRATUM:

In our article "Vice, ready to sacrifice for love" posted last December 1, we are referring to dancer-turned-actress Samantha Lopez (a.k.a Gracia) not Samantha Chavez as inadvertently mentioned. Our apologies.

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com.