Mga gumawa ng ingay

December 30, 2018
Maymay Entrata
Maymay Entrata

GUMAWA rin ng ingay ang ex-Pinoy Big Brother big winner-turned singer-actress-model na si Maymay Entrata nang siya ang maging kauna-unahang Pinay model na napasama at rumampa sa Arab Fashion Week 2018 sa Dubai nung nakaraang Novemer 21.  Ito’y naging posible dahil sa Filipino renowned fashion designer (based in Dubai) na si Furne One na siyang may likha ng dalawang magkahiwalay na kasuotan na inirampa ng ka-loveteam ni Edward Barber who personally accompanied her and witnessed his rumored girlfriend’s momentous fashion event.

Hindi rin siyempre nagpahuli  ang Asia’s Songbird at misis ni Ogie Alcasid na si Regine Velasquez na gumawa rin ng ingay ang pag-alis sa GMA na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon at paglipat sa bakuran ng ABS-CBN nung October 17.

Gumawa rin ng sariling record ang VAA at Kapamilya star na si Anne Curtis nang makagawa ito ng tatlong hit movies sa loob ng taong ito, ang “Sid & Aya (Not A Love Story),” “Buy Bust” at ang MMFF movie na “Aurora”.  Naging sold-out din ang kanyang ikatlong major concert sa Big Dome (Araneta Coliseum) last August 18, ang “Anne Kulit: Promise Last Na `To”.  Kasunod na rito ang kanilang much-delayed month-long  honeymoon ng husband niyang chef at restaurateur na si Erwan Heussaff sa South Africa last October 29 up to November this year.

Pinag-usapan din ng netizens ang pagsilang ng unang baby ng controversial couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto nung June 27 maging ang ilang sightings sa mag-partner who try to play low-key (and out of showbiz) at mamuhay nang pribado.

Hindi rin nakaligtas sa netizens ang trip to Italy ng longtime sweethearts na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli last September to celebrate their 5th anniversary bilang magkasintahan.

September naman this year ay nagsimulang maglabasan sa mga balita ang pictures ni Maine Mendoza kasama ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde na maraming beses nakitang magkasama sa iba’t ibang okasyon at kasama na rito ang kanilang trip to Indonesia early November kasama ang kanilang mga kaibigan.  Namataan din si Arjo sa launch ng isang lipstick brand na ini-endorso ni Maine last September na ginanap sa isang lugar sa BGC.

Although wala pang pag-amin na nagmumula kina Maine at Arjo, naniniwala ang marami na nagkakamabutihan na ang dalawa bagay na ikinalulungkot ng mga AlDub fans nina Maine at Alden Richards.

Kung gaano kasaya na ibinahagi ng Kapuso star na si Heart Evangelista ang kanyang pagbubuntis ng magiging first baby (o babies) nila ng kanyang husband na si Sen. Chiz Escudero, weeks after ay ganoon din kalungkot nitong ibinalita ang miscarriage to her twins.  

It was in February this year nang mamanhikan ang dating Kapuso actor-turned Kapamilya na si Aljur Abrenica sa pamilya ng kanyang  wife na si Kylie Padilla. Kasama ni Aljur ang kanyang parents at mga nakababatang kapatid na nagtungo sa bahay ng ama ni Kylie na si Robin Padilla at step-mom na si Mariel Rodriguez kung saan naroon din ang lola ni Kylie at ina ni Robin na si Mommy Eva Carino at ilan pa nilang mga kaanak.  Nung December 11, ikinasal sina Aljur at Kylie sa Villa Milagros Ancestral House in Rodriguez, Rizal kung saan din ikinasal ang Kapuso actor na si Mike Tan sa kanyang non-showbiz wife nung January 22 this year.