Mga ibang nanligaw kay Pops binulgar ni Martin

July 12, 2020
Pops Fernandez
Pops Fernandez

AMINADO ang Concert Queen at entrepreneur na si Pops Fernandez na taon din ang binilang bago niya napatawad at tinanggap ang paghihiwalay nila ang kanyang ex-husband na si Martin Nievera pati na ang mga taong nanakit sa kanyang damdamin.

Ayon kay Pops, na-realize niya na kung hindi siya magpapatawad ay siya rin ang magsa-suffer kaya unti-unti niyang ni-let go ang mga baggage sa kanyang balikat at tinanggap ang mga bagay na hindi niya kayang baguhin.

“I felt better,” aniya.

“Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko since then,” pag-amin pa niya.

Who would ever think na maghaharap at magiging kaibigan din niya ang babaeng naging sanhi ng kanilang paghihiwalay ng asawang si Martin na si Katrina Ojeda?

Palibhasa’y wala nang bitterness sa kanyang puso, kaya na niyang harapin ang lahat.  Kahit mismo si Pops ay hindi ma-imagine na magagawa niya ito.

Inamin ni Pops na una niyang nakilala at nakaharap ang anak ni Martin kay Katrina na si Santino at doon umano siya nag-melt at napamahal sa bata.  Kaya nang magkaharap sila ni Katrina ay buo na muli ang kanyang puso at naging magaan ang kanilang pagkikita.  Kahit ang past girlfriends at present girlfriend ni Martin ay nakikilala at nagiging kaibigan din ni Pops. At ang pinakamahalaga ay naging best of friends sila ng kanyang dating mister bagay na ikinatutuwa ng kanilang dalawang anak na sina Robin at Ram at ng mga taong malalapit sa kanila.

Naniniwala rin si Pops na mananatili ang `loveteam’ nila ni Martin sa concert stage, isang bagay na hindi na siguro mawawala for as long as pareho pa rin silang aktibo sa larangang ito.

Naghiwalay man sila ni Martin, hindi naman daw nagpabaya ang Concert King sa obligasyon nito bilang ama sa kanilang dalawang anak kahit ngayon na malalaki na sila.  Martin is still there for them.

Samantala, natawa na lamang si Pops nang ibuking ni Martin si Gary V. sa online show ni Jaya na nanligaw din ito sa kanyang ex-wife noon na hindi naman itinanggi ni Mr. Pure Energy.  Of course, nangyari `yon nung hindi pa sila ng wife ngayon na si Angeli Pangilinan-Valenciano.

Unknown to many, si `Mr. Shades’ na si Randy Santiago ang unang naging nobyo si Pops at pangalawa si Martin who eventually became her husband. Teen-ager pa lamang noon si Pops at estudyante sa International School.  Pero unang naka-loveteam ni Pops ang younger brother ni Randy na si Rowell Santiago nang pumasok na sa showbiz ang Concert Queen.

Nanligaw din noon kay Pops ang elder brother ni Sen. Bong Revilla na si Marlon Bautista na mister na ngayon ng dating actress na si  Gigi de la Riva.

Dahil sa pandemya, bihirang lumabas ng bahay si Pops unless she has meetings sa labas pero kahit nasa bahay lamang ay ginagawa niya itong productive by doing things na hindi kinakailangan niyang lumabas at kasama na rito ang planning ng kanyang future projects which she hopes to start when things get better.