Mga katangian ni Maine, walang tapon kay Arjo

January 23, 2019
Maine Mendoza

Sa presscon ng pelikulang ’Tol last Tuesday ay sinagot na ng isa sa mga bidang si Arjo Atayde ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Maine Mendoza.

Sa tanong kung sila na ba ni Maine, ani Arjo, “No, but we’re exclusively dating. We are exclusively dating, I am at my happiest right now and further details, I won’t say it more, basta hanggang doon lang muna.” 

Asked kung saan sila mas pinakanagdya-jive ni Maine, ani Arjo, “Everything. I’m just really happy.”

Marami pang tanong ang press like kung kumusta siya sa family ni Maine, kung na-meet na niya, kung ilang months na at iba pang detalye, iisa na ang sagot niya, “Hanggang doon na lang po muna. We’re dating and what you see is what you get.”

Pero masaya ang puso niya ngayon?

“Masaya po,” he said.

Ano ang mga katangian ni Maine na nagustuhan niya?

“Lahat,” sambit niya.

Magpapa-block screening ba si Maine para sa ’Tol? O sasamahan ba siya bilang pag-support sa movie?

“Hindi ko po alam. We haven’t talked about it and Maine has nothing to do with my work at all. This is me and if she goes, she supports  me, thank you. If she’s busy, I understand but as far as I’m concerned, wala po akong sagot diyan, we haven’t really talked about it.” 

Tungkol sa pangba-bash na nararanasan niya ngayon at ng pamilya niya dahil nga sa relasyon niya kay Maine, ani Arjo, hindi siya apektado.

Ang medyo foul lang daw talaga ay idinadamay pa ang kanyang pamilya.

Pero kung iba-bash daw siya face to face, ibang usapan na ’yun. Ang bashing sa social media, lalo na kung galing naman sa troll accounts, hindi niya papatulan.

Hindi nga raw niya binabasa ang mga comment.

Anyway, first comedy film ni Arjo ang ’Tol na idinirehe ni Miko Livelo for Reality Entertainment.

Kasama niya rito sina Jessy Mendiola, Joross Gamboa at Ketchup Eusebio. First time rin niyang nakasama ang tatlo at aniya ay dream project niya talaga ito.

Puring-puri naman ng direktor si Arjo dahil kahit sanay sa drama, nakipagsabayan daw ang aktor kina Ketchup at Joross sa pagpapatawa.

Showing na ang ’Tol sa January 30.