Mga kontrobersiyal pang istorya

January 02, 2019
Mark Bautista
Mark Bautista

ANG isa marahil sa top stories in 2018 ay ang kontrobersiyang nilikha ng libro ng singer-actor na si Mark Bautista, ang “Beyond the Mark” kung saan niya inamin ang naging relasyon niya sa isang actor na may kasintahan pa noon at ang kanyang pagiging bi-sexual.

Naging controversial din ang libro ng singer na si Jake Zyrus (Charice Pempengco), ang “I Am Jake Zyrus” which was released last year kung saan nito inamin ang pagtrato sa kanya ng kanyang inang si Raquel Pempengco.  Ito ang naging ugat para lalong  lumala ang hidwaan ng mag-ina na matagal nang may gap.

Si Jake Zyrus (26) ay si Charmaine Clarice Relucio Pempengco sa tunay na buhay na nakilala internationally as Charice Pempengco.

Nung isang taon ay inamin ni Jake na engaged na umano sila ng kanyang fiancee na si Shyre Aquino pero hindi siya nagbigay ng detalye kung kelan ito nangyari.

Since hindi pa naman kinikilala sa Pilipinas ang same-sex marriage, malamang na sa ibang bansa sila magpakasal at inaasahang mangyayari ito this year.