Mga kumita at hindi sa Metro Manila Film Festival, alam na

January 03, 2019

SA Monday, January 7, magtatapos na ang ika-44th Metro Manila Film Festival.  More or less ay may ideya na kami kung aling mga pelikula ang nanguna at nangulelat sa takilya.

Out of the eight entries, safe nang sabihin na nangunguna sa takilya ang entry ni Vice Ganda, ang “Fantastica” at pumapangalawa naman ang “Jack Em Popoy” nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza.  Pumapangatlo naman ang “Aurora” ni Anne Curtis.  Ang numbers four and five ay pinaglalabanan pa ng “Mary, Marry Me” ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga kasama si Sam Milby at ang “Rainbow’s Sunset” nina Eddie Garcia, Gloria Romero at Tony Mabesa.  Habang ang slots ng No. 6 to 8 ay malamang mapunta sa “The Lady In the Orange Dress” nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola, “One Great Love” nina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC de Vera at ang “Otlum” nina Jerome Ponce, John Estrada, Ricci Rivero, Buboy Villar at iba pa.

On January 8 ay ilalabas na ng MMFF ang official ranking and total gross at breakdown  ng mga pelikulang kalahok sa 2018 MMFF.

Goal ng MMFF na umabot ng mahigit isang bilyon ang gross ng 2018 MMFF habang inaasahan namang masu-surpass ni Vice Ganda ang kanyang record nung isang taon na P571-M para sa pelikulang “Gandarrapido: The Revenger Squad” na pinagsamahan nila nina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla o ’di kaya sa kanyang 2016 non-MMFF movie with Coco Martin  na “The Parental Guidance” na umabot ng P598M. Mukhang hindi nila ito maaabot this year.

Aminin man o hindi ng marami, ang MMFF lately without a Vice Ganda, Vic Sotto at Coco Martin’s participation ay tiyak na magiging lackluster ang reception sa takilya tulad ng nangyari sa 2016 MMFF.

Karamihan sa malls ngayon ay dala-dalawa ang pinagpapalabasan ng “Fantastica” ni Vice Ganda.

Nakatulong naman ang 11 awards na nakuha ng “Rainbow’s Sunset” na tinampukan nina Eddie Garcia, Gloria Romero at Tony Mabesa dahil kahit paano, pinansin ito ng mga manonood.