Mga pelikula ni Paolo Contis, nasa Netflix na

July 11, 2020
Paolo Contis
Paolo Contis

SIGURADONG maaaliw na naman ang netizens sa latest vlog ng Kapuso star na si Paolo Contis sa kanyang YouTube channel kung saan ipinakita niya ang isang karaniwang araw sa buhay nila ni LJ Reyes at ng kanilang pamilya. Siyempre, may kakaibang twist na naman ang vlog dahil gusto ni LJ na magpalit sila ng mga gawain sa bahay.  

Bukod dito, inanunsyo din ng aktor sa kanyang Instagram account na available na sa video streaming platform na Netflix ang kanyang mga pelikula na ‘Through Night And Day’ at 'Ang Pangarap Kong Holdap.’

Dapat ding abangan si Paolo sa pagbabalik-telebisyon ng All-Out Sundays: Stay Home Party sa GMA tuwing Linggo sa bago nitong timeslot, 12:45ng tanghali, kasabay ng livestream nito sa official GMA Network social media accounts.