Mga post nina Joshua at Julia, nagpapahiwatig ng hiwalayan

June 09, 2019
Julia Barreto and Joshua Garcia

MALAKAS na rin ang ugong na break na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Wala pang pag-amin mula sa dalawa pero sa mga social media post nila, may mga pahiwatig na tungkol dito.

Sa isang post ni Julia, sinasabi nitong she's in love with peace, at natagpuan na niya ang mamahalin niyang tao, ang sarili niya. Tulad ng kanyang ina na si Marjorie Barretto (titas Gretchen at Claudine), mahusay magsalita (in this case, post or write) si Julia. At enchanting ang mga sinasabi niya, making one drawn to believe in her, hook, line and sinker.

Samantala, simple lang ang post ni Joshua: "I'm a thinker, not a talker."

So, nag-iisip siya at kung anuman 'yun, may mga nagsasabi (nagsusulsol) sa kanya na tama, mag-isip na siyang mabuti. Kung tungkol man ito sa relasyon nila ni Julia, who knows? But bilang isang lalaking nagmamahal, mas maganda rin naman na huwag basta maakit sa kagandahan ng isang babae. There should be more to physical beauty.

Ang hindi lang tama sa sinasabi ng iba ay ang linyang "mana-mana lang 'yan." Each individual has her/his own path, traits, feelings, opinion etc about life and let's give Julia that benefit.

Samantala, mukhang okay naman sila sa set ng pelikulang Block Z kaya abangan pa rin ang susunod na kabanata.