Mga supporter ni Eddie lubos na umaasa

June 15, 2019

HANGGANG ngayon ay patuloy pa ring umaasa at nananalangin ang longtime partner ng movie icon na si Eddie Garcia na si Lilibeth Romero sa milagro na muling gagaling ang veteran actor na comatose pa rin hanggang ngayon matapos itong aksidenteng bumagsak sa taping ng kanyang ginagawang bagong TV series sa GMA nung nakaraang Sabado ng umaga na naging sanhi ng kanyang severe cervical injury sa kanyang leeg.

Hindi pa rin nagigising hanggang ngayon si Eddie matapos itong isugod sa Mary Johnston Hospital in Tondo, Manila at mailipat sa ICU ng Makati Medical Center in Makati.

Outpouring ang panalangin ng mga supporters at nagmamahal kay Eddie. Nung Friday ay nagkaroon ng isang healing mass para sa kanya na dinaluhan ng maraming kaibigan at kasamahan. Sobra ang ipinakita niyang professionalism sa kanyang trabaho by reporting to the set early until the unfortunate incident happened last Saturday morning habang kinukunan ang kanilang eksena ng co-star niya na si Romnick Sarmenta.