Home>Entertainment>Showbiz>Mga transgender celeb na may asawa at engaged na

Mga transgender celeb na may asawa at engaged na

Kaladkaren
Kaladkaren and fiance Luke Wrighton
Ate Glow
Renee Hampshire (Ate Glow) and her British Husband

REMEMBER former President Gloria Macapagal-Arroyo’s impersonator Ate Glow? The transgender impersonator-comedian Rene Boy Facunla is now carrying a new name Renee, Hampshire because she is already married (to a British guy). The couple got married on July 2, 2016 in London, United Kingdom kung saan sila ngayon naka-base.

Samantala, engaged na ang isa pang kilalang impersonator ng TV news anchor-host na si Karen Davila, ang TV host na si Kaladkaren (Jervi Li) sa kanyang British boyfriend of eight years na si Luke Wrighton. The announcement was made last Wednesday, September 9 sa kanyang sariling vlog.

Sina Karen at Kaladkaren ay parehong graduate ng University of the Philippines. Magmula nang mag-viral ang pagiging impersonator ni Kaladkaren kay Karen ay naging bahagi siya sa morning daily program ng ABS-CBN, ang “Umagang Kay Ganda,” isa sa mga programang nawala sa ere nang hindi mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN ng Kongreso.

Anak ni Super Tekla naka-recover na

NAGBIGAY ng update ang comedian-TV host na si Super Tekla (Roger Librada), 38 sa kanyang anak na si Baby Angelo na dalawang beses naoperahan dahil sa pagkakaroon nito ng anorectal malformation o walang butas sa puwet. Ang kanyang more than two months old son ay naka-recover na umano.

Hindi makakalimutan ni Super Tekla ang mga tumulong para sa operasyon ng kanyang anak at kasama na rito sina Willie Revillame, ang GMA at ang ibang talents Kapuso Network tulad ni Lovely Abella at iba pa.

Thankful din ang comedian-TV host na resume na sila ni Boobay sa pagti-taping ng kanilang comedy talk show na “The Boobay and Tekla Show” na matutunghayan simula sa darating na linggo, September 13.

Si Super Tekla ay may isang anak na babae sa kanyang ex-wife na si Irene Gonzales.

Sa pagkawala ng ABS-CBN, ibang networks nabubuhay

ALTHOUGH mahigit pitong libong empleyado at talents ng ABS-CBN ang nawalan ng trabaho dahil sa pagkaka-deny ng kanilang prangkisa, may advantage naman ito sa ibang TV networks tulad ng TV5 at Net25 dahil nagdagdag sila ng mga bagong programa using talents from the Kapamilya Network.

Ang singer-actress na si Vina Morales ay nasa pangangalaga pa rin hanggang ngayon ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. Pero siya’y may dalawang bagong TV show sa Net 25 na pag-aari ng Iglesia ni Cristo.

Si Vina ay isa sa mga hurado sa isang bagong singing and dancing competition ng Net25 na may pamagat na “Tagisan ng Galing” na nakatakdang mapanood simula ngayong Sabado at Linggo, September 12 and 13, 2020, 12 noon at 9 p.m.

Bukod kay Vina, ang iba pang mga hurado ng singing category ng “Tagisan ng Galing, Part 2” ay sina Imelda Papin, Marco Sison, Marcelito Pomoy at Jessa Zaragoza habang ang mga judge naman sa dancing category ay ang dancer-choreographer na si Joy Cancio, Mia Pangyarihan, Wowie de Guzman at Joshua Zamora.

Seven million pesos cash ang naghihintay sa anim na winners sa dalawang magkaibang kategorya, singing and dancing – solo, duet and group. Ang dalawang grand final winners both sa singing ang dancing will each receive P2-M, P1-M sa 1st runner up at tig-P500,000 naman each sa 2nd runner up.

Samantala, bukod sa pagiging isa sa mga hurado ng “Tagisan ng Galing,” Vina is going to be reunited with her erstwhile boyfriend na si Robin Padilla sa isang sitcom also on Net25.

May bagong lunsad din na noontime show ng Net25, ang “Happy Time” kung saan ang mga host ay sina Janno Gibbs, Anjo Yllana at Kitkat Favia.

May 21 isang taon na naging bahagi si Anjo ng longest noontime show in the land, ang “Eat Bulaga” na may 41 years na sa ere. Sandali ring naging bahagi ng “Eat Bulaga” si Janno.

Kasama rin sa entertainment programs ng Net25, ang long-running talk show ni Gladys Reyes, ang “Moments” which the actress-host is producing under her GPRSommereux, Inc. production. The program started in 2007.

Ang iba pang entertainment programs ng Net25 include “Digital Nest,” “EBC Music,” “Himig ng Lahi” at ang “Letters and Music” na nagsimula nung 2013.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)