Michael Angelo, hooked sa saya at good vibes ng ‘Bulaga’

January 10, 2019

HINDI nakapagtataka na umabot ng 13th season ang sitcom ng dating seminarista at inspirational speaker na si Michael Angelo Lobrin. Kwela kasi ang bawat linyang binibitawan niya at maging ang press na dumalo sa solo presscon para sa #MichaelAngelo: The Sitcom season launch sa GMA News TV, binili ang punchlines at words of wisdom niya.

Maraming showbiz friends si Michael, kabilang na rito ang comedy concert queen na si Ai-Ai de las Alas at ang Kapuso royalty couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Bukod dito, marami ring malalaking kumpanya ang nagtitiwala sa mga proyekto/sound advices niya. Ilan dito ang sponsors ng #MichaelAngelo... tulad ng Bounty Fresh, Chooks to Go, Uling Roasters, hanabishi, Bon Appetea, Owwe, PCSO, Reyal, Papa Dans, RC Cola, Skin Magical at JGX.

Kung tutuusin, longest-running sitcom ang #Michael Angelo... at ngayong papasok na ito sa 13th season simula January 27, malalaki ang plano ni Michael para dito.

Kasama sa tinatrabaho niya at ng kanyang staff ang #Michael Angelo Holy Week Drama Special at  #Michael Angelo game show.

Aminado ang host na paborito niya ang Eat Bulaga dahil sa sayang hatid nito sa mga tao at good vibes na hatid sa araw-araw.

“Puwede pong sabihin na combination ng Eat Bulaga at Wowowin. Siyempre hindi naman po namin gagayahin sila kasi mas mahusay po sila, pero may ganoong touch,” paliwanag niya.

Tatlong beses naman daw mapapanood sa isang araw ang gagawin nilang Lenten Special.

May mga bagong karakter namang papasok sa sitcom sa season 13, kabilang na sina Derek Monasterio, Bentong Sumaya, Janver, May Bautista, Lovely at iba pa.

Sey ni Michael, ”Sa awa po ng Diyos at sa tulong ng sponsors, umabot na sa Season 13 ang sitcom. Siyempre, may mga bagong katatawanan, bagong kuwento na kaiibigan ng ating mga sitcom follower at siyempre, mga karakter na magbibigay ng katotohanan sa buhay at mga inspirasyon.

“Lumalaki po ang pamilya at iyon po ang pangarap natin. Walang nawawala kundi nadaragdan kasi mas masaya kung marami. Kaya nagpapasalamat po ako sa mga artistang nakasama namin sa matagal na panahon, hindi kami iniwan.”