Michael 'di nawawalan ng project

August 28, 2019
Michael de Mesa at Coco Martin
Michael de Mesa at Coco Martin

MICHAEL de Mesa who belongs to showbiz royalty  was only in his mid teens nang siya’y magsimula sa showbiz para sundan ang mga yapak ng kanyang equally popular parents, ang veteran singer-actor na si Eddie Mesa at veteran actress na si Rosemarie Gil.  Sumunod din ang dalawa niyang younger siblings na sina Mark Gil at Cherie Gil.

Sa presscon ng pelikulang kanyang pinagbibidahan, ang “Marineros: Men In The Middle Of The Sea” na tinatampukan din nina Valerie Concepcion, Ahron Villena, Jon Lucas, Alvin Nakasi, Paul Hernandez, Clair Ruiz, Jef Gaitan at ang writer-director-actor na si Anthony Fernandez na siya ring director ng nasabing pelikula at joint production ng Golden Tiger Films and Premier-Dreams Productions, Inc., inamin ng veteran actor na buhay niya ang kanyang pagiging actor at dito umano siya mamamatay.

In his 46 years in the industry, there was  a time na siya’y nakipagsapalaran sa Amerika sa loob ng limang taon pero bumalik siya ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang trabahong kanyang kinagisnan at minahal.

Tulad ng kanyang ex-wife, ang actress-director na si Gina Alajar, sumubok na rin si Michael sa pagiging isang director na ang pinaka-latest ay ang pagdidirek ng ilang eksena sa top-rating and long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ng actor-director na si Coco Martin.

Sobra ang paghanga ni Michael kay Coco hindi lamang bilang ka-trabaho kundi bilang isang tao.

Si Coco raw talaga ang gumawa ng paraan na siya’y mapabilang sa “Ang Probinsyano” na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinututukan ng mga manonood.

“Actually, nasa GMA pa ako ay kinukuha na niya (Coco) ako.  Pagbalik ko kasi galing  Amerika,  GMA signed me up to a two-year contract plus another two years kaya four years ako sa kabila bago ako nakatawid sa ABS-CBN para gawin ang 'Ang Probinsyano' at 'Ikaw Lang ang Iibigin',” pagbabalik-tanaw ni Michael.

“Hanggang ngayon nasa “Ang Probinsyano” pa rin ako,” aniya.

Pero habang nasa “Ang Probinsyano” ay naisingit din niya ang “Since I Found You” TV series nina Piolo Pascual at Arci Munoz.

Si Michael ay isang actor na hindi namimili ng role na kanyang gagampanan.  He has practically played various roles at kasama na rito ang papel ng isang gay.

“Wala `yun sa laki at liit ng role na gagampanan mo kundi how you’re going to portray and give justice to  that role assigned to you,” patuloy ni Michael.

Si Michael ay nakapag-uwi ng Best Actor at Best Supporting trophies mula sa FAMAS, FAP Awards and Gawad Urian.  He was named Best Actor ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) nung 1987 for the movie “Unfaithful Wife” shown in 1986.  The same movie gave him a Best Supporting Actor plum mula sa FAMAS Awards, also in 1987.  Ang “Unfaithful Wife” ay tinampukan din nina Joel Torre at Anna Marie Gutierrez at dinirek ni Peque Gallaga.  In 1986, si Michael ang tinanghal na Best Supporting Actor ng Film Academy of the Philippines Awards (FAP) nung 1986 para sa pelikulang “Paradise Inn” na ipinalabas nung 1985.  Ang nasabing pelikula ay dinirek ni Celso Ad Castillo at tinampukan din nina Lolita Rodriguez, Vivian Velez, Dennis Roldan, Armida Siguion Reyna, Robert Arevalo, Jinggoy Estrada at iba pa.  Ang pangalawang Gawad Urian award na nakuha ni Michael ay ang kanyang Best Supporting Actor trophy para sa pelikulang “Ikasa Mo, Ipuputok Ko” in 1991.

“Awa ng Diyos, magmula nang bumalik ako galing Amerika, tuluy-tuloy ang trabaho at hindi ako nawawalan ng project,” pag-amin pa niya.

Michael was previously married sa actress-director na si Gina Alajar na nakasama niya sa loob ng 23 taon.  Ang dalawa ay nagpakasal in 1978 pero nagkahiwalay in 2001 at na-aprubahan ang annulment ng kanilang kasal in 2006.

The ex-couple has three sons na sina Geoff, Ryan at AJ na may kani-kanyang pamilya na ngayon. Except for AJ na naka-base sa Amerika sina Geoff at Ryan Eigenmann  ay pareho ring nasa showbiz.  Mga pamangkin naman ni Michael ang  iba pang actors na sina Gabby, Sid Lucero at Andi Eigenmann na third generation na ng mga Eigenmann.

In 2011 ay pinakasalan ni Michael ang dating dancer-choreographer ng Hot Legs na si Julie Reyes, his present wife.

Samantala, ang “Marineros: Men in the Middle of the Sea,” isang family drama movie ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa darating na September 20, 2019.