Michael V apat na papel ang gagawin sa bagong pelikula ng GMA pictures

March 20, 2019

APAT na papel ang gagampanan ng singer-rapper-songwriter-actor-comedian at creative director ng kanyang long-running gag show on GMA, ang “Bubble Gang” na si Michael V. sa pelikulang “Family History” which he will co-produce with GMA Pictures under his own Mic Test Productions.

Bukod sa pagiging actor-comedian, si Michael din ang sumulat at tatayong director ng unang tambalan nila ni Dawn Zulueta.  Executive producer naman ang wife-manager ni Michael V. na si Carol Bunagan, his wife of almost 25 years.

Carol took over as manager of Michael V. (from OctoArts big boss Orly Ilacad (na siyang nagbigay ng big break sa rapper) in 2005.  She resigned from her post as international flight stewardess para personal niyang mapangalagaan ang kanilang apat na anak na sina Yanni, Milo, Maypaul at Migo at maging ang career ng kanyang mister na si Bitoy (palayaw ni Michael V.).

Taong 2007 nang itatag ng mag-asawa ang kanilang sariling production company, ang Mic Entertainment Productions pero ngayon pa lamang nila ito magagamit sa film production.