Michael V, pinatulan si Mystica!

December 04, 2018
Michael V

May reaction na si Michael V. sa Facebook post ni Mystica na dahil hindi siya pinakinggan  ng komedyante sa panawagan niyang i-guest siya sa Bubble Gang, kay Dingdong Dantes na lang siya nanawagan at humingi ng tulong.

Nagpatulong si Mystica kay Dingdong na mapasama siya sa Cain at Abel nina Dingdong at Dennis Trillo.

“As much as gusto kong magpasok ng ibang artista para maging cast ng #BubbleGang and #PepitoManaloto hanggang suggestion lang po ako. Nasa GMA Network po ang decision,” sagot ni Michael V.

Tama naman ang sinabi ni Michael V.

Ang network pa rin ang magdedesisyon kung sino ang gusto nilang isama sa mga show ni Michael at sa Cain at Abel.   May nagpayo kay Michael V. na ’wag na lang pansinin si Mystica.