Home>Entertainment>Showbiz>Michelle maayos na ang buhay sa Texas

Michelle maayos na ang buhay sa Texas

MASAYA na ang buhay sa Austin, Texas ng (dating) actress na si Michelle Madrigal kasama ang kanyang American husband na si Troy Woolfolk and their two-year-old daughter na si Anika Austin.

Nakalipat na rin ang mag-asawa and their daughter sa kanilang four-bedroom house na ipinakita ni Michelle sa kanyang vlog.

Ayon kay Michelle, 5 and a half months old pa lamang umano si Anika ay natutulog na ito sa kanyang sariling kuwarto pero ito’y naka-monitor sa mag-asawa sa pamamagitan ng CCTV na nakikita nila sa kanilang cellphone.

Ang tatlo pang kuwarto ay master’s bedroom, guest room habang ang isa pang room ay converted into their office or working area. Ang kanilang working out area naman ay ang kanilang garahe kaya ang kanilang sasakyan ay naka-park sa may kalye facing their house. Maluwag din ang kanilang backyard na plano nilang lagyan ng swimming pool balang araw.

It was in April 30, 2017 when she was three months pregnant nang ipaalam ni Michelle that she was having her first baby by her partner na si Troy. The couple got engaged three months later in July 2017 at November 2017 naman niyang isinilang si Anika. April 12, 2019 naman nagpakasal ang dalawa sa Austin, Texas, USA.

Samantala, si Michelle ay may elder sister na si Ehra Madrigal na isa ring actress na unang nag-asawa sa businessman na si Tom Yeung nung March 2017.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)