Michelle ooperahan sa dibdib

December 06, 2019

NAUNA ang pagkakaroon ng anak ng (dating) actress na si Michelle Madrigal bago sila nagpakasal ng kanyang American husband na si Troy Woolfolk sa Austin, Texas kung saan sila ngayon naka-base kasama ang more than one year-old daughter nilang si Anika.

Si Troy ay nakilala ni Michelle  nung 2016 nang siya’y magtungo ng Texas para sa kanyang culinary course.

Samantala, ibinahagi ni Michelle sa kanyang Instagram account na nakatakdang siyang sumailalim ng operasyon ngayong December 10 para tanggalin ang kanyang implanted parts ng kanyang breasts.  She had her breasts augmentation in 2007 nung bago simula pa lamang siya sa showbiz para ma-boost umano ang kanyang looks and confidence dahil hindi umano niya minana sa kanilang ina at maging sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ehra Madrigal ang pagkakaroon ng malaking boobs.  Pero ngayon lamang na-realize ni Michelle na meron pala itong downside dahil nakakaramdam na umano siya ng iba’t ibang side effects nito.

A certain Dr. Patrick Hsu na isang plastic surgeon sa Houston, Texas, USA ang magsasagawa ng kanyang operasyon para tanggalin ang foreign object sa kanyang breasts at may basbas ang kanyang American husband  na si Troy sa kanyang gagawin.