Home>Entertainment>Showbiz>Miguel lagpas 3 milyon na ang fans sa TikTok

Miguel lagpas 3 milyon na ang fans sa TikTok

Miguel Tanfelix

ANG lakas pala ng following ng Kapuso star na si Miguel Tanfelix sa TikTok. Patuloy na tumataas ang bilang ng kaniyang followers na as of this writing ay higit tatlong milyon na!

Sabi nga ng kanyang fans, swabe ang kanyang dance moves at nakahuhumaling ang kanyang mga tingin kaya hindi na ito nakakagulat. At talaga namang nakatutok ang fans niya sa bawat video na ipino-post niya sa TikTok. Sa ngayon, ang “Back To The Beat” dance challenge ang most-viewed sa TikTok ni Miguel at mayroon itong 12.2 million views.

Kaya naman maganda ang takbo ng career ng aktor ngayon kahit na may pandemic, inuulan ng blessings at endorsements.

Samantala, napapanood din siya sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo sa GMA.

Carla ‘di nakatiis, nagpa-deep cleaning service

Carla Abellana
Carla Abellana

MAHALAGA sa panahon ngayon ng pandemya na panatilihing malinis hindi lang ang ating mga sarili kung hindi pati na rin ang ating kapaligiran. Sa kanyang recent YouTube vlog Ibinida ni star Carla Abellana ang naging proseso sa deep cleaning service na ginawa sa kanyang tahanan.

Aniya, “There’s a pandemic going on and we have to make sure that everything is clean, in good shape, and disinfected para we are all safe at home. You can source your own home cleaning company or cleaners. They do a good job and I believe it’s a really good investment especially during this time.”

Isang happy and satisfied costumer naman ang Kapuso actress matapos ang halos limang oras na pagdi-disinfect at paglilinis ng kanyang bahay.

Samantala, wala pang anunsyo kung kalian magbabalik-taping ang pinagbibidahang serye ni Carla na ‘Love of my Life’ kasama sina Rhian Ramos at Mikael Daez.

Kate ibibida ang bagong hobby

Kate Valdez
Kate Valdez

DAHIL importante pa ring stay at home muna tayo, nauuso ngayon ang paghahanap ng bagong pagkakaabalahan o hobby.

Isa sa mga artistang nakatagpo ng bagong kahihiligang activity ngayong quarantine ay si Kate Valdez. Sa darating na Thursday (September 10) episode ng ‘Mars Pa More’, ipakikita ni Kate ang kanyang newfound skill na roller skating at bibigyan ng tutorial ang viewers.

Bukod pa riyan, makikisaya rin ang ‘Bubble Gang’ actor na si Archie Alemania na magluluto naman ng healthy dish gamit ang nauusong air fryer.

Sina Camille Prats at Iya Villania ang hosts ng ‘Mars Pa More’, 8:45AM, sa GMA-7.

Glaiza napapanood sa Netflix ang pelikulang “Sleepless”

Glaiza de Castro
Glaiza de Castro

NAPAPANOOD ngayon sa video streaming platform na Netflix ang pelikula nina Glaiza de Castro at Dominic Roco na ‘Sleepless’ simula noong September 3.

Talagang ipinamalas ng dalawang Kapuso stars ang kanilang husay sa pag-arte.

Kuwento ng director ng pelikula na si Prime Cruz sa panayam ng GMANetwork.com, “They’re the best. They breathed life into Gem (Glaiza) and Barry (Dominic) in a relaxed easy going way. Every time we rolled, it felt like I was just watching two people be themselves and talk, which was perfect for the material. Glaiza and Dom weren’t acting. They were being the characters and it was super easy to shoot.”

Masaya ring ibinahagi ni Glaiza sa kanyang Instagram post na kabilang ang ‘Sleepless’ sa Netflix Top 10 list dito sa bansa.

“Sa totoo lang, nakaka miss mag shoot ng pelikula. Pero masaya pa rin kaming balikan itong mga nagawa namin, malamang di na kagaya ng dati pag oks na mag shoot ulit pero ang mahalaga, posibleng mangyari.”

Dagdag pa niya, “Tsaka, nakakatuwang makitang nasa Top 10 ang #Sleepless sa @netflixph. Kinilig din akong katabi namin ang IONTBO [It’s Okay Not to be Okay], na isa sa mga nagiging rason bakit di rin kami makatulog sa gabi, lol.”

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal