Mika at Nash may basbas ng magulang ang relasyon

December 07, 2018
Nash Aguas and Mika Dela Cruz

KAHIT may tumatakbo pang serye ang 19-year-old Kapuso young actress na si Mika de la Cruz, younger sister ng singer-actress na si Angelika de la Cruz, ang “Pamilya Roces,” excited na siya sa pagsisimula ng bago niyang serye for 2019, ang “Kara Mia” (dating “Dalawang Mukha ni Guadalupe”) na pinagtambalan nila ni Barbie Forteza with Barbie’s real sweetheart na si Jack Roberto as leading man kasama ang ex-boyfriend ni Barbie Imperial na si Paul Salas.

Umalis man si Mika sa dati niyang home studio, ang Kapamilya Network at lumipat sa Kapuso Network in 2016, hindi ito pinagsisihan ng kasintahan ni Nash Aguas dahil sunud-sunod ang magagandang project na ipinagkakaloob sa kanya ng GMA.

Una silang nagsama ni Barbie sa 2017 TV series ng GMA na “Meant to Be” at ngayon ay magkakambal sila ni Barbie sa iisang katawan na may dalawang mukha  sa “Kara Mia”.

Samantala, dumaan man sa mga pagsubok ang magkahiwalay na buhay at career nila ni Nash Aguas, natutuwa sina Mika at Nash na natupad ang kanilang mga pangarap na maging sila na nagsimula pa nung sila’y mga bata pa sa longest-running gag show na “Goin’ Bulilit”.

Bago si Mika ay na-link si Nash sa kanyang dating ka-loveteam na si Alexa Ilacad. Pero nang magkaroon ng ibang direksiyon si Alexa at mabuwag ang tambalan nila ni Nash, nagkaroon ng pagkakataon ang huli na i-pursue ang kanyang panliligaw kay Mika na ngayon ay 19 years old na at 20 naman si Nash. In October 20, 2018 ay opisyal na ang pagiging mag-sweetheart ng dalawa na parehong may basbas ng kanilang respective families.