Mika proves more daring than Barbie

February 17, 2019
Mika Dela Cruz and Barbie Forteza
Mika Dela Cruz and Barbie Forteza

MIKA dela Cruz admits her role in “Kara Mia”, which starts airing tonight on GMA Telebabad, is the most difficult she has ever played. “Mahirap gawin lalo na sa technical aspect, kasi paulit-ulit ang takes to make sure sakto ang sukat namin lagi and perfect 'yung pag-fit ng mukha ko sa likod ng ulo ni Barbie Forteza,” she says. “Pareho kami lagi ng mga damit na sinusuot ni Barbie rito, pero 'yung sa’kin, laging 'yung baligtad, 'yung likod ng damit ang suot ko. But I accepted the role kahit alam kong mahirap kasi first lead role ko ito. Pareho kami ni Barbie playing the title roles. I’m so glad si Barbie ang kasama ko rito kasi naging good friends kami while doing ‘Meant to Be’. Now, while doing this, we became even closer.”

Even if they have the same body, they have two different personalities. “Si Barbie 'yung mabait as Kara, ako 'yung mas maldita, mas selosa as Mia. Kung minsan, pinipilit ko si Barbie na gawin ang gusto ko kahit ayaw niya. Isang highlight ng show is when mag-away kami sa ibabaw ng overpass sa Quezon Avenue at dahil sa pamimilit ko sa kanya, nahulog kami. Buti na lang napakapit si Barbie sa railing kaya hindi kami tuluyang nalaglag sa kalye. Ang hirap ng scene na 'yun kasi ako talaga ang ipinapakitang nakabitin doon sa tulay. Buti na lang, wala akong fear of heights. Ang tapang ko nga raw, sabi ni Barbie, kasi siya, napaiyak nang pinapatuntong pa lang siya sa scaffolding noong overpass. Takot na takot siya. But when we watched it na on screen, worth it naman lahat ng hirap at pagod namin. At tuwang-tuwa kami sa positive reaction ng mga tao sa show kahit di pa nag-uumpisa. Kitang-kitang sabik na sila’t inaabangan nila ito sa dami ng memes and ng videos na ginagaya kami ni Barbie. Andami nila talagang paandar! Ha ha ha!”

Last October, she and Kapamilya actor Nash Aguas admitted that they’re going steady. Both she and Barbie, who’s on with Jak Roberto, are both lucky in love and career. What does Nash say about her new show?

“He’s so happy for me, na sa paglipat ko sa GMA from ABS, nabigyan ako ng ganitong lead role. I can feel na we both inspire each other to be better versions of ourselves. Ako, feeling blessed talaga. At this point in my life, I can really say na masaya po ako sa career ko at masaya rin po ako sa lovelife ko. Naging okay ang end sa akin ng past year at ang ganda rin ng pasok for me nitong bagong taon. Sana, magtuluy-tuloy.”

Do they feel pressured that they are being pitted against Coco Martin’s toprating show? “Honestly, sa amin, wala pong ganung consciousness na matalo 'yung kalaban. Ang concern talaga namin, maging maganda ang show, magustuhan ng tao, kaya pinaghuhusayan talaga naming lahat ang trabaho namin para maging believable kaming lahat sa characters that we portray. 'Yun ang mas primary concern namin kaysa 'yung feeling na, kailangan, matalo natin ang katapat natin. So ang request ko lang, panoorin nyo kami starting tonight right after ‘24 Oras’. Doon nyo makikita kung paanong kami ni Barbie, isinilang ng ina naming si Carmina Villarroel na beybing may dalawang mukha sa iisang katawan.”