Home>Entertainment>Showbiz>Mikael at Megan muntik nang mag-break?

Mikael at Megan muntik nang mag-break?

MUNTIK na palang mag-break noon sina Mikael Daez at Megan Young. Sa kanilang latest podcast, ibinahagi nila ang dahilan kung bakit. Ayon kay Megan, nagkaroon ng time na naging sobrang clingy siya kay Mikael.

Aniya kay Mikael, “I literally made you my world.” Para naman kay Mikael, naging issue ito dahil “she was losing herself”. Kuwento niya, “That didn’t sit well with me because it was always my belief that I wanted Boneezy (Megan) to grow as a person, as an individual and not sacrifice that just for the sake of the relationship. I didn’t feel that worked or made for a good relationship in my mind. I would say that point was the closest to us breaking up ever.”

Dagdag ng ‘Love of my Life’ actor, talking to Megan: “I couldn’t see you as a person I wanted to be with.” Aniya, “I remember how I felt, I saw Boneezy as someone in the future who I didn’t want to be with because she wasn’t growing independently or as an individual and why would I want to be with someone who doesn’t want to grow as an individual.”

Thankfully, nadaan nila ang problema sa maayos na usapan at nalampasan nila ang rough patch na ito bago pa sila ikasal.

Rhian nag-share ng natural beauty secret

COMMENT ng ilang netizens, kahanga-hanga ang natural beauty ng Kapuso actress na si Rhian Ramos at nais nilang malaman ang kanyang sikreto para laging magmukhang fresh araw-araw.

Pinagbigyan naman sila ni Rhian sa kaniyang latest YouTube vlog kung saan ibinahagi niya ang kanyang everyday makeup look na aniya ay nakakatulong na mag-boost ng confidence.

“This is pretty much how I make my face look everyday to make me feel kinda just good about myself and ready to face the world and talk to anyone and do anything. This is a little something I’ve been trying to do lately. Put a little makeup on, wear a cute top that would explain the puff-sleeve eyelet top that I’m wearing. It just makes me feel a little better and a little brighter so I thought that I would just share with you guys how I do it and how I get ready everyday that makes me feel good.”

Mapapanood ang kanyang step-by-step tutorial sa kaniyang YouTube channel.

Pepito Manaloto, may special comeback episode ngayong Sabado

MAGKAKAROON ng isang special comeback episode ang family-oriented inspirational comedy series na Pepito Manaloto.

Para pasalamatan ang viewers, mapapanood sina Michael V., Manilyn Reynes, John Feir, Maureen Larrazabal, Arthur Solinap, Mosang, Mikoy Morales, Janna Dominguez, at Ronnie Henares sa isang masayang episode na may “kamustahan” segment at games.

Ibabahagi rin ni Bitoy ang naging experience niya bilang survivor ng COVID-19 para magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga manonood.

Ang “Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento” ay mapapanood ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng ‘24 Oras Weekend’ sa GMA-7.

Boobay at Tekla, balik-taping na para sa TBATS!

NATUWA ang supporters nina Boobay at Tekla sa ipinasilip na pagbabalik-taping ng dalawa sa studio para sa fresh episode ng kanilang hit comedy program na The Boobay and Tekla Show.

Ibinahagi ni Tekla sa kanyang Instagram ang behind-the-scene photo nila ni Boobay na kuha mula sa kanilang taping day para sa ‘TBATS’ kahapon.

Aniya, “Abangan sa September 13 ang new episode ng #TBATS. We’re back! Thank you, Lord! #NewNormal.”

Nag-post din ang direktor ng show na si Rico Gutierrez ng setup ng studio kung saan mapapansin na may imbitadong audience via Zoom sa LED display, “Break a leg team! May zoom audience kami today.”

Glydel proud maging bahagi ng September line-up ng Wish Ko Lang!

KABILANG ang batikang aktres na si Glydel Mercado sa mga artistang bibida sa “Winner September” line-up ng Kapuso program na Wish Ko Lang! Apat na mas pinalaki at mas pinatinding mga episode ang aabangan ngayong buwan kung saan tampok bawat Sabado ang kuwento ng matatapang at mapagmahal na mga kababaihan.

Unang mapapanuod ngayong September 5 ang “Nalunod” episode na pagbibidahan ni Gyldel kasama sina Allen Dizon at Teri Malvar. Si Glydel ang gaganap sa isang inang gagawin ang lahat upang mailigtas ang mga anak na inanod ng baha. “I am honored and privileged that they chose me to be part of this episode,” sabi ni Glydel.

Gayunman, aminado siyang nanibago sa paggawa ng naturang episode dahil sa mga ipinatutupad ngayong safety protocols.

Mabigat ang role na ginampanan dito ni Glydel lalo na’t nangyari ang trahedya sa gitna ng kinakaharap nating pandemya. Bilang isang ina at babae, ano nga ba ang maipapayo ni Glydel sa mga kagaya ni Liza na humaharap sa ganitong dagok sa buhay? “Just don’t lose hope and always trust God, for he will not give you trials that you cannot overcome.”

Abangan ang “Nalunod” sa Wish Ko Lang, 4 pm ngayong Sabado sa GMA-7.

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal