Mikael at Megan, anong ugali ang ayaw sa isa’t isa? 

July 01, 2020
Mikael Daez and Megan Young

SA kanilang #BehindRelationshipGoals na podcast ay ibinahagi ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young ang mga ugali ng isa’t isa na hindi nila gusto.

Anang dalawa, nabuo ang naturang podcast para ipakita sa kanilang followers na hindi picture perfect ang kanilang relationship at gaya rin ng lahat ay may ups and downs din silang mag-asawa.  

Pagbabahagi ni Megan, noong bago pa lang sila ni Mikael, isa sa mga hindi niya gustong katangian nito ay ang attitude nitong parang tama parati. “It was something that I started to dislike about Mikael, it was the fact that he was always quote-unquote 'right.' The way that you would tackle things is very much the same but our views were in some ways, different because of our upbringing. He was always right because he could always justify it to make sure na siya 'yung tama.” 

Para naman kay Mikael, isa sa ugali ni Megan na gusto niyang mabago ay ang hindi nito pakikipag-usap para maresolba ang mga bagay-bagay. "I hated that you never fought back. Boneezy [Megan] is non-confrontational. I would not necessarily say that I'm confrontational but I'm very direct. Literally, she would just keep quiet. I realized this is still a problem up until now,” anang Love of my Life star.