Mike 'di pa rin maipakita ang misis

October 24, 2019

KUNG hanggang ngayon ay ayaw pa ring i-reveal ng Kapuso actor na si Mike Tan sa publiko ang tungkol sa kanyang non-showbiz wife of almost two years, kabaliktan naman ito sa kanilang first born, ang kanilang 10-month old daughter na si Victoria na mas madalas pang nakakasama ng actor sa kanyang photos.

Kilala umano sa pagiging pribadong tao ang misis ni Mike kaya maging sa pictures nila sa wedding nila nung January 22, 2018 ay hindi ipinakita ang mukha ng wife bagay na nirerespeto ng Kapuso actor.

Samantala, sobrang ini-enjoy ni Mike ang kanyang pagiging first time parent ni Baby Victoria at present umano siya sa mahahalagang milestone ng bata.  Maging ang pagpapalit ng diaper ay natutunan umano niya.  Siya rin ang nagbabantay sa kanilang baby kung natutulog ang kanyang misis.

Kapag walang showbiz commtments si Mike ay tiyak na kasama niya ang kanyang pamilya.