Mike Enriquez, may special report tungkol sa COVID-19 ngayong Hulyo

July 01, 2020
Mike Enriquez

PAGKATAPOS bumalik sa radyo at sa 24 Oras ng GMA7, may iba pang inihahanda si Mike Enriquez. Ngayong Hulyo, magkakaroon ng special episodes ang “Imbestigador ng Bayan”. Sa “COVID-19: Special Investigative Reports ni Mike Enriquez”, tatalakayin ni Mike ang mahahalagang isyung iniinda ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya. Isa na rito ang kalbaryo ng mga pasaherong walang masakyan papasok sa kanilang mga trabaho dahil sa limitadong mass transport system. Abangan ang two-part specials na ito, na ang unang bahagi ay sa July 11 na mapapanuod.