Mike Enriquez at Vicky Morales, may back-to-back na handog ngayong Sabado

July 08, 2020
Mike Enriquez and Vicky Morales

BACK-to-back na special programs ang hatid ng GMA News pillars na sina Mike Enriquez at Vicky Morales ngayong Sabado (July 11). Magbabalik-ere ang programa ni Vicky na Wish Ko Lang! habang si Mike naman ay pangungunahan ang espesyal na pagtatanghal ng Imbestigador na “COVID-19: Special Investigative Reports ni Mike Enriquez”. Parehong bagong episodes ang handog ng mga nasabing programa.

Ang pagbabalik ng Wish Ko Lang! ay talaga namang napapanahon. Hatid kasi ng show ni Vicky ang inspirasyon at pag-asa na higit nating kailangan ngayong patuloy pa rin tayong humaharap sa pandemya. Excited na nga ang netizens na muling mapanuod ang Wish Ko Lang. Sa social media nga, marami na rin ang nagpapadala ng kanilang kahilingan sa programa.

Sigurado namang hindi tatantanan ng Imbestigador ang mga isyung kaugnay ng COVID-19. Para sa first part ng report ni Mike, tututukan niya ang public transportation na unti-unti nang binubuksan matapos ang mahigit na dalawang buwan na lockdown.