Mikey at manager-lover, may pasabog

June 19, 2019
Mikey Bustos
Mikey Bustos

TIMING ang pag-amin ng Youtuber na si Mikey Bustos tungkol sa kanyang sexual identity.

Kaya walang isyu sa City Government of Taipei ang kanyang pagiging miyembro ng LGBTQ+ para kunin siyang muli bilang ambassador nito. Last year, malaki ang naitulong ni Mikey sa Fun Taipei promotional campaign ng capital city ng Taiwan. To date, his music video  "My New Crushie" has one million views - and counting. And based on the latest statistics report of Tourism Bureau under the Ministry of Transportation and Communications, the number of visitors from the Philippines in 2018 grew 44% from 2017 - the highest growth in Southeast Asian region. Ito rin ang dahilan kung bakit kinuha siya uli para sa bago nitong campaign na #UndiscoveredTaipei.

Naging succesful ang media launch at travel workshop nito na ginanap sa Makati Diamond Residences, Makati City last June 14. Dito, unang ipinakita sa media ang bagong music video ni Mikey para sa nasabing campaign - "I Showed My Parents Taipei." Aside from his music video, Taipei City's Department of Information and Tourism Yi-ting Liu has announced the campaign's "ticket giveaway" promo.

"Here's the deal!," beamed Liu, "feel free to share and forward the video as we'll offer a free air ticket from the Philippines to Taiwan when the music video collects over 300,000 views."

Samantala, nasentro din ang usapan tungkol sa relasyon ni Mikey sa kanyang manager na si RJ Garcia. Sa no-holds-barred interview, game na game na sinagot ng dalawa ang lahat ng tanong ng media. Pero ilan sa mga kasamahan sa trabaho ang nagkomento sa diumano'y pagiging epal ni RJ. "Pa-famous" daw siya dahil nakisawsaw siya sa exposure at interview. Hindi naman maiiwasan talaga na tanungin siya dahil siya naman ang life partner ni Mikey. But since he also acts as Mikey's manager, he should have not stood along side his talent during the interview. Dapat pinairal niya pa rin ang pagiging manager niya bilang respeto na rin sa event organizer. Dahil ang Taipei ang pinu-promote at hindi ang kanilang relasyon.

Wala naman daw isyu ito ayon isa sa organizer ng event na nakausap namin. Ayon pa sa kanya, "okay lang na pag-usapan ang relasyon nila dahil swak rin ito sa pagpayag ng Taiwan sa same-sex marriage." Taiwan is the first country in Asia to recognize gay union.

Makakatulong kaya sa turismo ng Taiwan ang pagli-legalize nito sa gay marriage? Just asking...

Disclaimer:

For comments and reactions, call or text 0908-603-2179 or email at justasking_pj@yahoo.com